Kim, may pasabog daw sa December!

MANILA, Philippines — Parang laglag na talaga si Kim Chiu sa It’s Showtime matapos siyang mag-vacation leave.
Sa katatapos nitong 17th anniversary ay wala man lang banggit sa pangalan niya.
Kahit sa kanyang negosyo ay pahinga rin si Kim.
In fact, sa kanilang opening sa pop store sa Davao, dalawang kapatid niya ang andun.
Aniya sa caption “#SiblingsTakeOver as a host naka John. #HOLBPHPopUpStore #SMLanang
“My heart is so full!!!
“Still feeling so grateful and overwhelmed with all the love and support we received yesterday at the opening of our House of Little Bunny PH Davao Pop-Up Store!!! ”
Pero parang nilaro ng ibang fans dahil biglang andun siya sa ibang picture sa opening.
Pero ayon sa source, ang picture raw na ‘yun actually ay kuha sa unang pop store opening nila sa Cebu, at hindi ‘yun kuha sa Davao last weekend.
Saka hindi raw ito nagpo-post ng real time laging late post at marami rin daw itong nakaimbak na mga picture.
Ang usap-usapan, may pasabog daw si Kim sa December tulad ni Sarah Geronimo na diumano’y manganganak sa December.
Pero paano kaya siya magpo-promote ng MMFF entry nila ni Paulo Avelino na A Perfect Marriage kung totoo ang usap-usapan na diumano’y magiging mommy na siya?
Nanatili namang walang imik si Kim sa isyung ito.
- Latest

























