Claudine, itinanggi si Boss Toyo

In all fairness kay Claudine Barretto, hot topic din siya sa social media.
Laging nilalagyan ng meaning ang mga post niya.
Kaya nga ramdam na she’s still very much around at relevant pa.
Like ito nga at ikinonek ang isang post niya kay Boss Toyo kung saan nakita silang magkasama sa isang occasion recently.
“Regarding sa Post ko po.Wala po akong pinangalanan. i just want to make it clear na hindi po ang kaibigan kong si Boss Toyo ang tinutukoy ko.
“Naglabas lamg ako ng saloobin ko.Pasensya na Besh Boss Toyo at Loves Jhoy. i hope tigilan nyo po ang pag tag sa kanya coz ayoko maging cause ng gulo ng isang Pamilya.
“kaya nga po ako nag post ng ganun para tumigil yung lalaking nangungulit sakin.
“Besh pasenya na at sorry nadamay ka pa.
“let’s all not be quick to judge.wag po tayo maging cause ng haka haka at pamilya na pwede masira dahil sa nag gu guess lang tayo.
“thank you & Godbless you all,” buong post ni Claudine na magiging busy sa pelikulang gagawin niya sa Viva Films with Bea Binene entitled Morticia!
Si Direk Topel Lee ang director ng Morticia.
- Latest





















