^

PSN Showbiz

Angeline, magkakaroon na rin ng degree

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Angeline, magkakaroon na rin ng degree
Angeline Quinto
STAR/ File

Alam mo, Salve A, saludo kami sa celebrities na nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang edad at pressure ng showbiz. Perfect example dito ay ang King of Talk na si Boy Abunda na hindi lamang tinapos ang kolehiyo kundi nag-master’s at nag-doctorate pa ito.

Walang limitasyon ang edukasyon kahit anong edad at estado sa buhay. Despite their age and respective busy schedules ay nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sina Jodi Sta. Maria, Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Cesar Montano, Geneva Cruz at iba pa.

Magtatapos naman in a couple of months ang actress na si Nadia Montenegro maging ang singer-actress at entrepreneur na si Angeline Quinto who is graduating this June.

Ayon kay Angeline, hindi naging madali ang balancing act na kanyang ginawa bukod sa kanyang obligasyon bilang misis (ni Nonrev Daquina) at ina ng kanilang dalawang anak, busy siya sa kanyang singing at acting career at bilang isang negosyante pero kinaya umano niya para lamang matupad ang pangarap ng kanyang namayapang inang si Mama Bob na isang paternal grandaunt na siyang nag-adopt at nagpalaki sa kanya.

Ang nalalapit na pagtatapos (this June) sakolehiyo ni Angeline ay sorpresa umano niya sa kanyang pamilya – para sa kanyang namayapang nanay-nanayan na si Mama Bob (Sylvia Quinto) at ang kanyang mister na si Nonrev at para na rin sa kanilang dalawang anak.

Samantala, ibinahagi ni Angeline na nasa pipeline na ang pagkakaroon niya ng concert, bagong album at pagiging aktibo sa kanyang acting career.

Chie, nakalimutan na ni Jake!

Si Chie Filomeno man ang nakipagkalas sa actor na si Jake Cuenca, mukhang naka-move on na rin ang mahusay na actor sa breakup nila ng kanyang dating kasintahan dahil nasa dating stage na naman ito o kung hindi man ay muling nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ng dating beauty queen-turned actress na si Rabiya Mateo, 2020 Miss Universe Philippines at ex-girfriend ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Namataan ng ilang netizens sina Jake at Rabiya na magkasamang kumain sa isang restaurant at magka-holding hands pa habang naglalakad sa BGC (Taguig City). Base sa mga nakakita sa dalawa, mukhang may espesyal na umanong relasyon ang dalawa at hindi na lamang bilang isang magkaibigan.

Parehong masaya ang estado ng mga puso ngayon nina Jake at Rabiya, isang indikasyon na pareho na silang naka-move on sa kanilang magkahiwalay na breakup sa kanilang respective ex-partners.

Sa edad na 38, mukhang wala pa sa plano ni Jake ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.

Speaking of Jake, ito ‘yung actor na hindi nawawalan ng proyekto dahil sa husay nitong umarte at pagiging professional sa trabaho. Bibihira ang isang katulad niya na magkaroon ng dalawang hit primetime TV series na sa magkasunod na oras na napapanood sa isang channel.

Si Jake ay naging bahagi ng nagtapos na FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin at sa magtatapos na What Lies Beneath at parehong lead villain ang kanyang ginampanan.

Sa totoo lang, napakagaling ni Jake sa contravida roles.

ANGELINE

CHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with