^

PSN Showbiz

Ang Napa

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Ang Napa Valley California ay world renowned wine region sa north ng San Francisco. (walwalan ng wine ganyan!) Sikat ito pagdating sa kanilang Cabernet Sauvignon (google na lang ang pronunciation!), vineyard, view ng nature at culinary choices (‘yung malakas makayaman ang panlasa!)

Memorable sa’kin ang Napa kasi nung unang punta ko dyan noong June last year, dyan ako nag-celebrate ng aking birthday. (with matching view at pa-wine!) Nung bumalik ako sa US nitong holiday season, nagkayayaan ulit sa Napa. (para mag-feeling feeling ulit!) Thank you sa aking forever travel partner na si Bryan Talatala at ang kaibigan naming si James Bermudo. (na malapit na magkaroon ng sarili nyang winery!)

May humigit kumulang na 400 wineries ang nasa Napa. (so balak namin puntahan lahat?!) Isa sa paborito namin and Domaine Carneros. (feeling may sinasabi sa lipunan!) Kilala ito sa kanilang traditional sparkling wines. (ako na ang may sparkle! Kumikinang kinang!) May option kang uminom sa labas habang background mo ang malawak na vineyard at napakagandang nature (for socmed pictorial purposes!) o kaya naman sa loob ng kanilang chateau. (parang castle ganyan!) Ka-partner syempre ng wines ang mga cheese at cold cuts. (na lasang alta ha!)

Pinuntahan din namin ang kalapit nitong Trinitas Cellars.(habang hindi pa ngenge mula sa unang destinasyon!) Sikat naman sila sa red at white wines. (ang daming choices!) Isa sa ibinibida nila rito ang kanilang Faith series. (hindi Faith Cuneta ha!) Ito ‘yung tinatawag nilang faith based wines, na ang bawat bote at timpla ay sumisimbolo ng ilang personalidad tulad ng mga Santo Papa sa Vatican at mga Religious saints ng Roman Catholic Church. (o ‘di ba may spiritual angle ang pag-inom ng alak!) Meron din silang outdoor space pero kadalasan, nasa loob ng isang kwarto ang bawat grupong umiinom rito. (parang conference room sa seminaryo!)

Ang wine tasting sa mga wineries dito ay ine-explain ng mga wine experts. (para alam mo kung ano nilalagok mo!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

VALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with