^

PSN Showbiz

Dennis Padilla, lumelebel kay Brad Pitt

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis Padilla, lumelebel kay Brad Pitt
Dennis Padilla
STAR / File

At least magka-level na sina Brad Pitt at Dennis Padilla.

Parehong ipinatanggal ng kani-kanilang mga anak ang kanilang apelyido.

Tinanggal na nga ni Vivienne, anak nina Brad Pitt at Angelina Jolie, ang apelyido ng kanyang ama.

Kinikilala na ito bilang si Vivienne Marcheline Jolie sa halip na Vivienne Marcheline Jolie-Pitt, ayon sa mga dokumentong nakuha ng PEOPLE.com.

Sina Pitt, 62, at Angelina, 51, ay may anim na anak: sina Maddox, 25, Pax, 22, Zahara, 21, Shiloh, 20, at ang kambal na sina Vivienne at Knox, 18. Naghiwalay sila noong 2016 matapos ang 12 taong pagsasama.

Ayon sa report ng PEOPLE.com nagsumite si Vivienne ng petisyon noong Hulyo —pagkatapos ng kanyang 18th birthday—upang alisin ang “Pitt” sa kanyang apelyido.

Si Zahara, anak nina Angelina Jolie at Brad Pitt, ang ikatlo sa kanilang mga anak na opisyal na nagtanggal ng “Pitt” sa kanyang apelyido.

Noong Setyembre, opisyal ding tinanggal ni Zahara, anak nina Pitt at Jolie, ang apelyidong Pitt.

Si Zahara ay kilala na ngayon bilang Zahara Marley Jolie sa halip na Zahara Marley Jolie-Pitt.

Noong Sept. 14, naging opisyal din ang pagpapalit ng pangalan ni Maddox mula Maddox Chivan Jolie-Pitt patungong Maddox Chivan Jolie, ayon sa mga record ng korte na lumabas sa PEOPLE.

Maaalalang ikinasama ng loob ng komed­y­anteng si Dennis Padilla ang petisyon ng mga anak sa pangunguna ni Julia na burahin na ang kanyang apelyido Julia Francesca Barretto Baldivia ganundin ang ibang anak ni Dennis kay Marjorie Barretto.

DENNIS PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with