^

PSN Showbiz

Kasal nina Francis at Pia, may resibo!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kasal nina Francis at Pia, may resibo!
Francis Magalona, Pia at Pilar

Lalo pang umiinit ang isyu sa paglitaw ng babaeng naanakan diumano ni Francis Magalona na si Abigail Rait.

May nga nakisawsaw na kasi na hindi naman natin alam kung ano ang purpose nila.

Kagaya nitong dating aktor na si Robby Tarroza na tahasan niyang sinasabing hindi kasal sina Francis at Pia Magalona.

Hiwalay na raw ang mag-asawa bago pa pumasok itong si Abigail.

Tamang-tama naman, lumitaw rin sa social media account ng kaibigan naming si Pilar Mateo ang throwback photos niya kina Francis at Pia, at isa na nga roon ang wedding photo nila sa Hong Kong. Dating publicist ni Francis si Pilar bago ito pumasok sa Eat Bulaga.

Sabi ni Pilar nang makapanayam namin sa DZRH nung Lunes, kinuha raw siya ni Pia para mag-PR para sa namayapang master rapper.

Kaya nung ikinasal daw sila sa Hong Kong nung July 14, 1995, nakasama siya.

Nandun daw ang ilan sa mga kasamahang dancer ni Francis, ang PA ni Pia at ang panganay nitong anak sa una niyang nakarelasyon.

Nasaksihan daw niya ang kasal, at sa pagkakaalam daw niya hanggang sa namayapa si Francis ay magkasama pa rin sila.

Narinig na rin daw niya ang tungkol dito kay Abigail, pero wala namang pumik-up ng balita.

Naisulat ko nga noon na ginawa na dapat namin sa Startalk sa GMA 7 ang kuwentong ito, pero hindi ito in-allow ni Pia na ilabas.

Sobrang kilalang-kilala na raw ni Pilar ang mag-asawa, at alam daw niyang hindi papatulan ni Pia ang balitang ito.

Hindi raw niya alam kung hanggang saan ang pagkakaalam ni Robby Tarroza sa mag-asawa.

Agree naman ako sa pananaw ni Pilar na hindi nila alam kung ano talaga ang pakay ng diumano’y mag-ina ni Francis.

Gusto bang pasukin ng bata ang showbiz?

Ang latest na impormasyong nakarating sa amin na tumatakbong kagawad daw sa barangay nila itong si Abigail.

Stell, nahirapang mamili sa mga alaga!

Obvious na todo ang suporta ng fans ni Stell ng SB19 sa nakaraang episode ng The Voice Generations.

Si Stell na huling coach na nag-sing off ang talents nito nung Linggo, na kung saan kailangan niyang magtanggal ng isa sa talents niya.

Magagaling ang mga napili niyang talents at talaga namang nahirapan siya kung sino ang kailangan nang magpaalam. Napili ni Stell ang mag-inang Imperial Duo.

Masuwerte pa rin talaga ang mga programa ni Dingdong Dantes, na pagkatapos ng consistent na toprater niyang Royal Blood, maganda rin ang pagbabalik ng kanyang Family Feud.

Mataas ang rating nito araw-araw.

vuukle comment

FRANCIS MAGALONA

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with