^

PSN Showbiz

Cedric, Deniece at iba pa, diretso na sa kulungan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cedric, Deniece at iba pa, diretso na sa kulungan
Zimmer, Deniece at Pamilya

Hindi pinalampas ni Vhong Navarro ang It’s Showtime kahapon upang magpasalamat sa pagkapanalo sa demanda nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

“Of course, maraming-maraming salamat, Lord, dahil lagi Kang nakagabay sa akin. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay nandiyan ka, Ikaw ang naging sentro ko at na napa­katotoo Mo, kaya maraming-maraming salamat,” kasabay ng pasasalamat sa RTC Ta­guig Branch 153.

Ganundin ang mga bossing ng ABS-CBN, ang grupo niyang Street Boys : “At marami pong salamat sa ABS-CBN, Sir Carlo (Katigbak), Tita Cory (Vidanes), Sir Mark (Lopez), Ma’am Charo (Santos-Concio), FMG (Freddie Garcia), Direk Lauren (Dyogi) dahil since Day 1 nandiyan po kayo, lagi po kayong nakasuporta sa akin at naniniwala kayo sa akin.”

Dagdag pa niya : “And of course sa mga naniniwala sa akin, sa aking mga fans na kung ano ang mga narinig niyong hindi maganda sa akin ay patuloy kayong nandiyan, sumusuporta at naniniwala... Sa staff ng ‘Showtime,’ ‘Showtime’ family, maraming salamat kasi hinahabaan niyo ang pasensiya niyo. Kasi minsan lutang ako roller coaster ang pinagdaanan ko ang hirap i-explain minsan sabaw ako rito pero nandiyan kayo kahit ang mga bitaw ko, mga hirit ko eh sablay papuntang norte, papuntang south. Hindi ko alam pero nandiyan kayo to support me dahil alam kong mahal na mahal niyo ako.

“Of couse sa family ko kay Yce, Bruno at sa dalawa kong nanay, kapatid ko, pamangkin ko salamat dahil naging matatag kayo kasama ko. Salamat sa pagmamahal n’yo.”

Emosyonal naman siya pagdating sa misis na talagang hindi siya iniwan sa naging proseso at laban niya na umabot ng sampung taon. “Marami akong pagkukulang sa iyo pero hindi mo ako iniwan. Marami akong kasalanan pero nandiyan ka pa rin. Hayaan mong bumawi ako sa iyo sa abot ng aking makakaya hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal kita.”

Ang iba pang kinasuhan ay sina Bernice Lee, Simeon Raz, Jr., Jose Paolo Gregorio Calma, Jed Fernandez and Ferdinand Guerrero.

Habang sinusulat namin ito ay umaapela na ang PNP kina Cedric Lee at kasamang si Ferdinand Navarro na sumuko na lang.

Si Simeon Raz ay dadalhin na sa NBP habang si Denice Cornejo ay sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Maalalang nakulong din si Vhong pero inapela nila haggang nabaliktad ang kaso.

vuukle comment

DENIECE CORNEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with