^

PSN Showbiz

Sparks camp, patok sa USA, India, Canada, at UAE

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sparks camp, patok sa USA, India, Canada, at UAE
Umani na nga ng higit sa 200,000 views ang unang episode nito samantala nakakuha na rin ng lampas 100,000 views ang pangalawang episode.

In all fairness, pinag-uusapan at inaabangan hindi lang ng mga Pilipino kundi ng iba’t ibang viewers sa Amerika, India, Canada, at United Arab Emirates ang pinakabagong queer dating series ng bansa na Sparks Camp mula ng mag-premiere ito noong Mayo 24.

Umani na nga ng higit sa 200,000 views ang unang episode nito samantala nakakuha na rin ng lampas 100,000 views ang pangalawang episode.

Samantala, trending din ang #SparksCamp nationwide sa Twitter nitong Wednesday (May 31).

Nakakuha rin naman ang nasabing queer rea­lity series ng viewers mula sa Spain at Portugal na humihingi na rin ng subtitles sa kani-kanilang mga lenggwahe.

Sa pagsalubong ng viewers sa Pride Month, unti-unti na rin nakilala ng manonood ang sampung campers at kani-kanilang mga kwento.

Sa kanilang unang challenge, napagwagian ito ng pair nina Karl at Dan. Pinili nila sina Justin at Nat bilang kani-kanilang first dates.

Samantala, napanood din ng viewers ang kanilang pagbibigay ng sparks card sa kanilang chosen camper.

Alamin sa episode 3 kung sino-sino kaya ang mga nakakuha ng sparks cards. Ano na rin kaya ang magiging epekto nito sa mga susunod na challenges sa loob ng camp?

Ang Sparks Camp ay isa lamang sa offerings na handog ng Made For YouTube ng ABS-CBN.

Mapapanood ang bagong episodes ng Sparks Camp tuwing Wednesday, 8PM sa YouTube channel ng Black Sheep.

vuukle comment

SPARKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with