^

PSN Showbiz

Rabiya at Faith, tuloy ang starlet wars

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Rabiya at Faith, tuloy ang starlet wars
Rabiya Mateo at Faith Da Silva
STAR/File

Ligwak na raw ba talaga si Rabiya Mateo sa Tiktoclock? Bakit daw? Hindi na ni-renew ang contract?

Dahil ba lagi siyang busy sa soap niyang patapos na? Acting daw muna kaysa hosting?

Or totoo bang may hidwaan sila ni Faith Da Silva? Nagbati na nga ba talaga?

Sana huwag nang mangyari ‘yun kasi starlet wars if ever.

Kaya ba nakaabang lang si Herlene Budol as guest co host sa Tiktoclock paminsan-minsan?

GV, inaapelang mag-guest kay Cecile Azarcon

After his successful One Last Time concert, ang tanong ng mga fans ni Gary Valenciano ay hindi ba maggue-guest si Mr. Pure Energy sa concert ni Cecile Azarcon who gave him the hit song Reaching Out?

Tapos si GV din ang nag-revive ng How Did You Know ni Chiqui Pineda na naging big hit din.

Hindi kaya tapusin muna ang May 10 concert repeat niya bago mag-decide si GV? We’ll see.

Sheree Ipinangalandakan sa school ng anak na nagpapa-sexy para may maibayad sa tuition

Muntik nang maging issue sa school na anak ni Sheree ang sinabi niya na kailangan niyang magpasexy para pantuition ng anak niya.

Bakit kaya binanggit niya pa ang school?

Para sabihin na malaking halaga ang kailangan kasi sa major reputable school nag-aaral ang anak?

Bakit, hindi na nagsusustento ang ama ng anak ni Sheree na parang responsable naman? Sana huwag nang isama sa usaping trabaho ang anak, di ba?

Sexy actor, pumatol kay direk

Gaano katotoo ang balitang kumakalat na nagli-link ang sexy aktor sa isang nanlilimahid daw na direktor? Kilala ng isang vlogger itong sexy aktor na naging boytoy din daw noon ng isang producer.

Wow, ano kaya ang nagustuhan nito sa bagong direk?

Maisasama kaya ng direk na ito si sexy aktor sa kanyang gagawing teleserye? Hintayin natin!

Nakakata-quote:

“There’s nothing wrong naman with having a preference. Kumbaga, you can watch the films you want, there’s no problem with that. Pero, I think just saying that you have no time for Philippine cinema is too much. Give Philippine cinema a chance.”

Janella Salvador, after sumemplang sa takilya ang pelikula niya

vuukle comment

FAITH DA SILVA

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with