^

PSN Showbiz

Gretchen, kakandidatong kongresista sa Maynila?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen, kakandidatong kongresista sa Maynila?!
Gretchen Barretto
STAR/File

Awwws malaki-laki raw talaga ang chance na kumandidato si Gretchen Barretto sa 2025 midterm elections.

Binanggit na ng source kung anong district sa lugar sa Maynila, pero baka raw magkaroon agad-agad ng intrigahan kaya ‘wag muna naming isulat.

Pero congress diumano ang target ni Gretchen.

At ang kasama raw sa pumipilit sa dating actress na mag-pulitika, ang negosyanteng si Atong Ang.

Yup, diumano ito ang kasama sa mga nagpapatakbo kay La Greta.

At excited diumano si Gretchen sa idea.

So humanda ang makakalaban niya.

Hindi na shocking kung kakandidato man si La Greta.

Maalalang tinawag siyang ‘santa ng mga ayuda’ dahil sa ginawa niyang pag-aayuda sa maraming taga-showbiz noong kasagsagan ng pandemic.

Hindi siya nakuntento sa pagpapadala ng tinatawag niyang Love Boxes at sako-sakong bigas sa media at mga dating kasamahan sa showbiz, binigyan din niya ng tulong ang mga health worker.

Namigay siya noon ng bigas sa ilang mga ospital ng gobyerno, lalo na ang San Lazaro at Philippine General Hospital.

Ganundin ang ilang LGUs sa Cavite at Rizal na nakatanggap din ng mga sako ng bigas mula sa tinawag ngang ‘Our Lady of Ayuda.’

Ang dami rin niya noong nabigyan ng wheelchair.

Sa umpisa, nang marinig ng mga tao ang tungkol sa mga love box at mga donasyong bigas ni GB, naisip nila na susubukan nga nito ang pulitika.

Pero hindi naman. Ito ‘yung nakaraang election.

Sorpresa noon ang pag-aayuda ni La Greta.

At masaya ang mga nakakatanggap.

At bakit hindi sila dapat magsaya? Imported ang nakalagay sa mga love box na ‘yun na malaking bagay dahil nga pandemic.

Malinaw, hindi nagtipid si Gretchen nang magdesisyon siyang ibahagi ang kanyang mga blessing.

Anyway, wala man sariling social media ay visible naman si La Greta sa mga post ng mga malalapit niya friends na acitve sa social media like Dra. Aivee Teo.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with