^

PSN Showbiz

Zack Tabudlo ibinahagi ang pinagdaanan nang akusahang inahas si Moira Dela Torre

James Relativo - Philstar.com
Zack Tabudlo ibinahagi ang pinagdaanan nang akusahang inahas si Moira Dela Torre
Litrato nina Zack Tabudlo at Moira dela Torre
Mula sa Facebook pages nina Zack Tabudlo at Moira dela Torre

MANILA, Philippines — Binasag na ng singer na si Zack Tabudlo ang kanyang katahimikan matapos ang matagal nang ugong-ugong na may namamagitan umano sa kanila ng kapwa mang-aawit na si Moira Dela Torre kahit karelasyon pa ng huli ang mister na si Jason Hernandez.

Sabado lang nang paringgan ng composer diumano na si Lolito Go si Tabudlo, habang sinasabing siya raw ang ginawang "pamalit" kay Jason bago pa ang hiwalayan ng mag-asawa.

Itinanggi na ni Moira na nagtaksil siya at sa halip idiniin na siya ang trinaydor ng asawa.

"I have been quiet for a year, and never said a thing about anyone nor said a word about all of what's going on around the internet around my friends and about me. But it's time for me to tell my side of the story," wika ni Zack nitong Miyerkules.

"I kept quiet but it all became too heavy for me. The pressure, the accusations, the music, my mental state, and everything just crumbled down for me, and I gave up. I couldn’t take it and I committed suicide. But thank God he gave me another chance," dagdag nito. 

 

Mayo 2022 nang inanunsyo nina Moira at Jason ang kanilang paghihiwalay, matapos ang tatlong taon bilang mag-asawa.

Matatandaang sinabi ni Go na nagkasala sa relasyon si Jason nang kumuha raw ang nabanggit ng masahista na siyang tumugon daw sa kanyang "tawag ng laman." Gayunpaman, ipinagtanggol ni Go si Jason nang sabihing nauna umanong magtaksil ang babaeng mang-aawit habang pinapangalanan ang kantang "Binibini" ni Zack.

"I was in the hospital in a [coma] unresponsive, and everyone thought I didn’t make it. After hours of them waiting, I woke up in the [emergency room] and I was in therapy in the ward for a good amount of time," dagdag ni Tabudlo.

"This is not an easy topic to open up and I have been keeping this to myself for a whole year but I thought it was time."

Paliwanag sa mga litrato

Kamakailan lang nang kumalat ang ilang photos at online interactions nina Zack at Moira, bagay na nakikitang sweet ng netizens. Ito'y kahit na sila pa noon ni Jason.

 

Pero paliwanag ni Zack, nangyari ang mga nabanggit noong Marso 2022 sa mga rehearsals para sa kanyang tour, panahong nasa Abu Dhabi si Jason.

"Moira was a guest in my tour and did a few shows with me which explains the rehearsals and photos speculating online. We did guestings and promos on social media, which are posts of lyrics from our song. We also took photos together, and basically letting everyone know we had a song together," dagdag pa niya.

"During this time as well we had a guesting on a mobile radio bus, and at this time I had already created a friendship with her, her friends, and team. At this time as well, her team and group of friends would sleep over and make music together in their house, which I later then became a part of."

Na-shock na lang daw sila nang malaman daw nilang naghiwalay sina Moira at Jason, dahilan para samahan daw nila ang babaeng singer upang ibigay ang lahat ng pagmamahal sa kanya.

Ito raw ang mga panahon na lagi silang lumalabas ng mga kaibigan para kumain at manuod ng pelikula para samahan si Moira upang ito'y mapasaya.

"I was there for a friend who needed my help and I wanted to give that protection and support that she gave me when I needed it. But that's not what everyone saw and what everyone knew," sabi pa niya.

Una nang nagbabala si Cornerstone Management legal counsel Joji Alonso na posible silang maghain ng reklamo para sa viral post na umaatake kay Moira, bagay na lumabas nang lumutang ang post ni Go.

------

Hinihikayat ng Department of Health ang publiko na kailangan ng professional support na makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health hotlines sa 0917-899-USAP (8727) o 899-USAP (8727); o sa Mind Matters hotline sa 09189424864.

vuukle comment

JASON HERNANDEZ

MENTAL HEALTH

MOIRA DELA TORRE

ZACK TABUDLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with