^

PSN Showbiz

QOT kinaadikan ng mga pinoy, local adaptation

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hinihirit Hindi pa rin naka-move on ang iba sa ending ng Queen of Tears, na mabuti na lang at happy ending.

Nung una ay ang Crash Landing On You, ngayon naman itong Queen of Tears na nakapagtala ng pinakamataas na nationwide rating sa South Korea.

Ayon sa Nielsen Korea, kinabog na ang Crash Landing On You.

Dito sa atin may mga nagsa-suggest nang puwedeng gawan ng Pinoy adaptation nito.

Nakita ko sa Facebook account ng kaibigan naming si Nathalie Tomada, ang entertainment editor ng The Philippine STAR, na nagtatanong kung bagay kaya sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Pinoy adaptation nito.

Puwedeng-puwede ‘di ba? Swak na swak kung ang KathDen ang gaganap, na puwedeng gawing collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN.

Pero kasado na raw kasi ang Hello, Love, Goodbye na inaayos na ang pagsisimula ng shooting nito.

Pero bakit nga ba hindi natin gawin ang Pinoy version ng Queen of Tears?

May iba pa kayang mas babagay sa role bilang si Hae-In na ginampanan ni Kim Ji-Won at si Hyun-Woo na ginampanan naman ni Kim Soo-Hyun.

Joey, nadulas din sa pagbubuntis ni Maine?!

Nung unang nakita ko ang pagkanta ni Daniel Padilla sa kanyang birthday party ng kantang Hinahanap-hanap Kita, dinedma ko ‘yung napamura siya sa isang bahagi ng kanta.

Nasa interlude ng kantang ito na sinasabing “pilit ko mang ika’y limutin, Lagi kong natatagpuan ang iyong tinig at awitin. Tuwing sasapit ang ulan at libo pang pinagsamahan, mukha ya­tang nilimot na ng puso kong biglang lumisan...” na bago niya binitiwan ang linyang “at may kapiling ng iba,” napamura muna siya ng “p….t…ina.”

In-assume ng iba na si Kathryn kaya ang tinutukoy niya?

Maaaring nadala lang siya sa kanta, at mala-JK Labajo na napa­bitaw siya ng malutong na mura.

Nag-enjoy lang daw si Daniel sa kanyang birthday party na hindi lang siya kundi marami rin sa invited guests ay nakikanta.

Pati nga ang inang si Karla Estrada ay humataw ng What’s Up, at pati sina Sen. Robin, Rommel, at Daniel Padilla ay humataw rin ng kantang Melt With You.

Masaya lang ang lahat at huwag na raw sanang gawan ng intriga ang pagmura ni Daniel sa kanyang birthday party na very private naman dapat ito.

May isang kaibigang nagpadala sa amin ng litratong magkasama sina Daniel at Ria Atayde na kuha doon sa birthday party.

Halata na nga raw na medyo malaki na ang tiyan ni Ria. Pero tikom pa rin ang bibig kung ano ba talaga ang tunay niyang kalagayan.

Samantala, nagdududa naman ang netizens na baka buntis na rin daw si Maine Mendoza nang sinuway ito ni Joey de Leon na huwag ito masyadong maggagagalaw na parang pinag-iingat siya.

Sa isang episode ng Eat Bulaga ay nagtatalon si Maine at parang nag-split pa ito.

Sabi ni Tito Joey, “Ay huwag masyadong gumalaw, Menggay!”

Naalala ng ilang netizens na si Tito Joey rin ang nagbuking sa Eat Bulaga tungkol sa pagbubuntis muli ni Pauleen Luna.

Baka buntis na rin daw si Maine. Sana nga!

Rabiya at Faith, may away?!

Mahigit isang linggo nang hindi napapanood si Rabiya Mateo sa TikToClock at tuluyan na nga pala siyang tinanggal bilang isa sa hosts.

Madalas daw na absent si Rabiya dahil nasa taping ito ng Makiling.

Pero may nakarating na kuwentong nagkaroon pala ng isyu sina Rabiya at Faith da Silva. Naayos naman daw silang dalawa bago umalis si Rabiya.

Pinapili raw kasi ang dating beauty queen kung alin ang gusto niyang i-prioritize. Ang hosting sa TiktoClock o ang pag-arte sa Maki­ling.

Mas gusto na raw mag-focus ni Rabiya sa pag-arte kaya hindi na ni-renew ang kontrata niya sa naturang daily show.

Sana hindi naman si Faith ang tunay na dahilan.

Si Herlene Budol na ang ipinalit sa kanya. Pero semi-regular lang daw si Herlene dahil nagti-taping din ito ng Black Rider.

vuukle comment

CRASH LANDING ON YOU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with