^

PSN Showbiz

Park mas tinao... kahit nasa sinehan na, MMFF movies, matumal!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sad na hindi tinao ang mga sinehan kahapon. Ang mga sinehan sa Trinoma mall sa Quezon City na umaapaw noon ang mga nanonood ‘pag MMFF, walang kapila-pila kahapon.

Sobra pa sa puwedeng mag-bike.

Na kung regular ang panahon, sasabihin mong flop. Pero may pandemya naman kasi at kahapon ay tumaas sa 433 ang new positive cases matapos ang ilang araw na more than 200 lang. At ang iba, takot talaga sa Omicron variant.

Though sa Mall of Asia ay may pailan-ilan daw na nanonood. Or baka sa ibang mall, punuan.

Hindi rin masyadong aware ang iba na back to cinemas na pala at kung anu-anong mga pelikula ang ipalalabas sa MMFF.

Sa social media lang nagkaroon ng promo ang lahat ng pelikulang kasali sa MMFF.

Kaya masasabing hindi raw successful ang Metro Manila Film Festival 2021 na digital edition last year.

Sana nga ay makabawi sa mga susunod na araw dahil malungkot na balita ito sa mga producer natin na matagal na na-freeze ang puhunan dahil sa pandemic.

Pero ang isang box office kahapon, ang mga park na walang bayad at open air.

vuukle comment

MMFF

SINEHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with