^

PSN Showbiz

JaDine naapi raw sa Christmas station ng Kapamilya

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung dati ay little sister ang turing ni Kris Aquino kay Kim Chiu, it seems may ka-share na ito sa special attention na ipinamamalas sa kanya ng presidential sister. Ito ang kalahating bahagi ng JaDine na si Nadine Lustre na sinabi ni Kris na nagustuhan niya dahil sa honesty at sincerity nito. At kung nakakaya lamang marahil ng sked ni Nadine, baka palagi na itong mapapanood sa Kris TV.

Napakaswerte ni Nadine sa pagkakaro’n ng isang very generous partner in the person of James Reid na kahit magkahiwalay silang dalawa sa 22nd birthday ng dalaga ay hindi naman ito nagkulang sa paghahanda para sa birthday ng kanyang ka-loveteam. Bukod sa friendship bracelet na ipinagawa ni James para sa kanilang dalawa, pinaka-birthday present nito kay Nadine ang isang Teacup Maltese puppy, isang uri ng mamahaling aso. Considering na hindi sila mag-on at friends lang, and yet pang mag-sweethearts ang gift ni James sa ka-loveteam.

Samantala, ang daming JaDine fans ang nagre-reklamo dahil sa Christmas station ID daw na ginawa nila kasama ang KathNiel at LizQuen. Kapansin-pansin kasi na lesser ang appearance ng JaDine kumpara sa dalawang loveteam.

Hindi ko pa kasi napapanood kaya hindi ako makapag-comment. Pero hindi naman siguro papayagan ng ABS-CBN na mangyari ito dahil nga baka may magreklamo na gaya ng nangayayari ngayon. Siguro naman equal ang exposure nila.

Maja naungusan na ni Bela?!

Hindi pa malaman ng mga tagahanga at supporter ni Richard Yap kung ano ang mararamdaman nila sa pagpayag nito na maging kontrabida sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Gaganap siyang lider ng sindikato na layong mapatumba ang nagpapangap na Ador (Coco Martin) pero ang kakambal pala nitong si Kardo.

Fans of Ser Chief are hoping na hindi naman tuluyang malinya sa pagi­ging kontrabida ang mahal nilang aktor na tulad ni Mayor Herbert Bautista ay initsapwera ni Kris Aquino sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie niya.

Samantala, very challenging para kay Bela Padilla ‘yung episode na kung saan nalaman niyang hindi si Ador si Kardo at ang pagkamatay ng asawa niya. Kailan naman kaya magkakaro’n ng ganun katinding episode si Maja Salvador na mula nang lumabas ay parang nagsisilbing one of those lamang sa serye?

vuukle comment

ANG

ANG PROBINSYANO

BELA PADILLA

COCO MARTIN

FANS OF SER CHIEF

HINDI

JAMES REID

KARDO

KRIS AQUINO

MAJA SALVADOR

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with