^

PSN Showbiz

Dingdong magku-concentrate sa ‘pagpapari’!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kabilang ang pinamumunuang National Youth Commission ni Dingdong Dantes sa magpa-participate sa earthquake drill sa July 30. Naniniwala ang aktor na kailangang mag-participate ang lahat para alam ang gagawin kung magkaroon ng malakas na lindol sa Metro Manila.

Nalaman namin kay Dingdong na may morning and evening drill, 10:30 a.m. ang schedule sa umaga at sa gabi ay 8 p.m. para malaman din ang gagawin kapag walang kuryente.

Sa mga patuloy na nangungulit kay Dingdong kung tatakbo siyang senador sa 2016 elections, “No senate run for me up to 2017, sa NYC muna ako magko-concentrate, up to 2017 ang term ko as NYC Commissioner,” sagot ni Dingdong.

Idinagdag pa ni Dingdong na masaya siya sa pagiging pari, ang role niya sa Pari Koy na tantiya niya ay aabot sa 26 weeks ang takbo o two seasons. Marami pang mangyayari at marami pang maggi-guest sa faith serye.

Dahil puwede nang lumabas sa TV si Marian Rivera at kasama nga sa Sunday PinaSaya, tinanong si Dingdong kung sa ending ay maggi-guest si ito sa faith serye.

“Tingnan natin, hindi ko pa masabi sa ngayon,” sagot ni Dingdong, pero sa tawa nito, parang maggi-guest nga si Mrs. Dantes sa pagtatapos ng Pari Koy.

Robin ayaw magwaldas sa concert ni Madonna

Ang two-night repeat ng Next Attraction concert nina Karylle, Isabella Gonzales, Robin Nievera, at Paolo Valenciano sa Music Museum sa August 14 and 15 na nagpapasalamat sa bonus nila mula kay Pops Fernandez at DSL Productions sa success ng una nilang concert.

Walang babaguhin si director Paolo Valenciano sa concept ng concert, pati guests ay sina Jayda Avanzado at Hannah Flores pa rin at si Robin din ang musical director.

Para sa gusto ang klase ng musika ni Robin, may tinatapos siyang album na produced independently. May online show din siya called TYFP Tell Your Friends, kung saan mapapanood ang videos ng best Filipino singers. Sa labas ng studio ang location ng videos at gamit lang ang para sa kanya’y the best microphone na kanyang nabili.   

Samantala, matutuwa si Regine Velasquez sa sagot ni Robin nang tanungin kung manonood ba siya ng concert ni Madonna?

“Madonna is very important to me because I’m a musician at impress ako sa kanya. I’m also a big fan of her, but I’m not going to spend that much money just to watch her. Ang laking pera noon, it will cover two months rent. She’s a big deal, but the tickects to her concert is too expensive. I’d rather watch Regine sing Papa Don’t Preach, a Madonna song,” sabi ni Robin.

Patuloy ni Robin, kung si John Mayer ang magko-concert at mahal ang tiket, hahanap siya ng paraan na makapanood.

Angelu hindi pa rin kayang panoorin ang huling TV series

Nakakatuwa ang reaction ng followers nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa IG dahil ikinu-connect sa TGIS at Growing Up ang Buena Familia. Tama ang dalawa sa sinabing parang continuation ng story nina Peachy (Angelu) at Wacks (Bobby) ang dating sa kanilang fans ng pagbibidahan nilang Afternoon Prime.

Anyway, hanggang sa presscon ng Buena Familia ay hindi pa rin napapanood ni Angelu ang ending ng Growing Up. Ayaw niyang panoorin dahil iiyak siya at kung panonoorin man niya, mag-isa lang siya para walang makakita sa kanyang pag-iyak.

Maaalalang tinapos ang Growing Up dahil nagbuntis siya at naging problema siya ng production. Later on lang na-realize ni Angelu ang “kasalanan” niya at na-guilty sa mga kasama sa show lalo na sa staff at crew na nawalan ng trabaho.

Arnel Pineda binigyan ng bagong hagod ang Your Love

Si Arnel Pineda ang kumanta ng theme song ng Star Cinema movie na The Love Affair na Your Love at original ng bandang Alamid. Ang husay ng pagkakanta ni Arnel at talagang bagay sa mga eksena ng pelikula na showing sa August 12.

Sa August 11 ang premiere night ng movie na matagal nang hinihintay ng fans nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Mas na-excite pa ang fans dahil kay Bea Alonzo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELU

ARNEL PINEDA

BUENA FAMILIA

GROWING UP

NBSP

PAOLO VALENCIANO

PARI KOY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with