Gabbi, dedma sa pakikipaglaplapan ni Khalil sa kapwa lalaki!

Magsa-10 taon nang magkasintahan sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Mayroong ilang nagsasabi na nagkakasawaan o nagkakainisan na kapag sobrang tagal nang magkasintahan at wala pang planong magpakasal. “The best years of my life, Going 10 in February. You know what, Tito Boy, some people assume kasi na we get irritated or annoyed whenever people ask us. Hindi naman namin minamasama. It’s fine talking about it ‘coz we’re very open about it. As of now talaga, we’re just taking our time. Khalil is so busy. I’m also busy and we have so many things to do pa. But definitely we have an understanding na do’n naman papunta ‘yon. It’s just that we’re looking lang for the right timing,” makahulugang pahayag sa amin ni Gabbi sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sunud-sunod ang ginagawang pelikula ni Khalil ngayon. Wala raw problema kay Gabbi ang paggawa ng nobyo ng Boy’s Love o BL films at makipaghalikan sa kapwa lalaki. “It’s film acting and he loves acting. That’s who he is. So, I’m very happy for him. Ngayon nga may BL siya, abangan, panoorin ninyo. We’re very much open about it. If he wants to do it, if he thinks that’s the right thing to do then I would trust him. Blood and soul niya ang pag-arte. So, if he thinks that’s the right decision to make, I would leave it to him kasi career niya ‘yan eh,” paliwanag ng Kapuso actress.
Katulad ng nobyo ay bukas din si Gabbi sa paggawa ng Girls’ Love o GL movies. “Yeah! I’m open. And I’m very much open about it because we respect each other’s craft. Like for example siya sa pag-arte niya, super nirerespeto ko siya and likewise sa kanya sa pagho-host ko, super nire-respect din niya. So, I think it really works,” giit niya.
Matatandaang nakatambal ni Barbie Forteza si Khalil sa pelikulang Saving Cherry na napanood sa mga sinehan kamakailan. Nabanggit ni Barbie sa isang panayam na matinong leading man umano ang aktor. “I’m not surprised. Like anyone who encounters Khalil always has good things to say about him. I’m happy that Barbie was able to experience ‘yung alaga ni Khalil ‘coz he really is a good guy. I’m happy that I’m able to share his pag-aalaga to other people,” reaksyon ni Gabbi.
Kahit nagkakaroon ng iba’t ibang katambal si Khalil ay hindi naman daw nangangamba si Gabbi sa kanilang relasyon ng aktor. “Hindi na siguro ako to the point na kinakabahan na parang, ‘Hala! May ka-work si Khalil,’ or whatever. Parang he doesn’t make me feel that way, and nasa sa kanya ‘yon,” pagtatapat ng dalaga.
Aminado si Gabbi na napag-uusapan na nila ni Khalil ang tungkol sa pagbuo ng pamilya. Hindi umano nagmamadali ang magkasintahan na magkaroon ng anak at nakasalalay sa dalaga ang desisyon tungkol dito. “Whenever we talk about these kinds of topics, he would always tell me na ‘It’s up to you. It’s your body.’ Siyempre may konting joke na ‘Talaga, ang tagal pa?’ Parang pa-cute lang pero at the end of the day, he really assures me na your body, your timeline, your choice,” pagbabahagi ng aktres. — Reports from JCC
- Latest






















