^

PSN Showbiz

Carmelle Collado, naghahanda na para sa Eurovision Asia

Pilipino Star Ngayon
Carmelle Collado, naghahanda na para sa Eurovision Asia
Carmelle Collado

Handang-handa na si Carmelle Collado na i-represent ang Pilipinas sa international stage habang naghahanda siya para sa kanyang Eurovision Asia performance sa Bangkok ngayong Nobyembre 14.

Kasabay ng pagkakataong makapag-perform sa harap ng global audience, isang malaking responsibilidad para kay Carmelle na ibandera ang Pilipinas. Aminado si Carmelle na may pressure sa kanya pero mas pinipili niyang pagtuunan ng pansin ang buong experience at ang malaking oportunidad na ito.

“Of course po, kasi sabi ko nga when you represent the country, it’s a huge responsibility. Eurovision is pang-worldwide and global audience po talaga ‘yung nanonood so grabe po talaga ‘yung pressure. But at the same time, ako po nagfo-focus din po ako sa kung ano po ‘yung mga opportunities na puwedeng mangyari sa buhay ko—win or lose po,” pagbabahagi ni Carmelle.

Para kay Carmelle, malaking bagay na para sa kanya ang mapiling kumatawan sa bansa.

“Ngayon po happy na po ako kasi ako po ‘yung napili na mag-represent po ng Philippines. Tina-try ko po ‘yung best ko na hindi mag-overthink—talagang mas nagma-matter po sa akin na i-enjoy ‘yung journey,” dagdag niya.

Ang unang concert ni Carmelle ang itinuturing niyang mahalagang experience na makakatulong sa kanyang nalalapit na performance sa kumpetisyon. Gayunpaman, alam niyang ibang hamon ang Eurovision Asia dahil maraming performers ang kailangang magbigay ng kanilang best sa limitadong oras para makapag-iwan ng impression.

“‘Yung first solo concert ko po kasi parang ‘yung nagbigay sa akin ng daan para matutunan ko kung paano ko i-carry ‘yung sarili ko, lalung-lalo na po ‘yung buong performance. Sa Eurovision naman po, it’s a different one po kasi marami po kaming kakanta and we only have minutes to make an impression,” paliwanag niya.

Habang naghahanda para sa international stage, sinisiguro rin ni Carmelle na bahagi ang kanyang sariling ideas sa pagbuo ng performance. Aniya, pinaghalo nila ng kanyang team ang kanilang mga ideya hanggang sa makahanap sila ng direction na komportable ang lahat.

“Kailangan ko po talaga magsabi kung ano po ‘yung gusto ko, kung saan po ako komportable kasi ako po ‘yung magpe-perform. But then, ako talaga at nag-unite kami na ito na lang ‘yung magandang gawin sa performance. So happy po ako kasi nagkasundo kaming lahat,” pagbabahagi niya.

Sa lakas ng kanyang stage presence at talento, siguradong mas mapapansin pa si Carmelle sa kanyang nalalapit na performance sa Eurovision Asia on Nov. 14. Gamit ang kanyang powerful voice at undeniable stage presence, siguradong madami pang puso ang mabibighani ni Carmelle sa iba’t-ibang bansa. Sa pagsabak niya sa international stage kasama ang kaniyang talento, magbubukas pa ito ng mas maraming oportunidad sa kanyang career.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with