^

PSN Showbiz

Makabagong treatment ng Belo nakatulong sa magandang katawan ni Coleen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapanood ngayong Linggo (Nov. 16) sa Salamat Dok ang pagbabahagi ni Dr. Vicki Belo ng mga makabagong treatment kung saan mapapabagal ang process of aging. Mayroon silang tinatawag na Exilis at Volbella na outstanding immune-boosting Multi-Vitamin Infusion.

Sa Belo Medical Group (BMG) clinics, maiiwasan ang mga pag-sag ng mga balat at pagkakaroon ng flabby skin sa mukha at katawan ng kanilang makabagong teknolihiya.

Sa ating pagtanda, ang mga natural substances tulad ng collagen, elastin, at hyaluronic acid na nagbibigay ng skin structure at volume sa ating balat ay unti-unting nawawala.

Ang Volbella lip injections ay maaaring gamitin para ma-enhance ang hugis ng lips at maibalik ang nawalang ganda nito. Ang Volbella ay isang hyaluronic acid filler mula sa Allergan na maaari ring gamitin sa mga mata. Galing ito sa Vycross family na ang ibig sabihi’y nagtatagal ito and builds more volume kumpara sa Juvederm. Mas malambot din daw ang pakiramdam ng mga labi dahil mas naiiwasan ang pamamaga after i-inject. Ang Volbella rin ang nag-iisang facial filler na clinically proven to last hanggang 12 buwan.

Ang Belo Exilis Plus naman ay isang body contouring at skin tightening machine. Gumagamit ito ng RF technology para malunasan ang mga loose skin sa leeg at décolletage area. Makatutulong din ito na maayos ang mga taba sa tiyan, likod, mga braso, legs, at tuhod.

In-introduce na rin ng Belo sa lahat ng clinics nito ang Multi-Vitamin Infusion (via IV drip) procedure  na naglalaman ng Vitamin B, C, amino acids, Zinc and trace minerals. Ideal ito para mas mapalakas ang immune system at maitaas ang energy level at matulungan ang cellular regeneration.

Abangan din sa Salamat Dok si Coleen Garcia na pinatotohanan ang resulta ng Multi-Vitamin Infusion. Sasamahan siya ni Dr. Belo para sa demo ng procedure.

Hosted by Alvin Elchico and Bernadette Sembrano, napapanood ang Salamat Dok nang live tuwing Linggo ng 7:30 ng umaga sa ABS-CBN at sa ABS-CBN News Channel (ANC). 

 

vuukle comment

ALVIN ELCHICO

ANG BELO EXILIS PLUS

ANG VOLBELLA

BERNADETTE SEMBRANO

COLEEN GARCIA

DR. BELO

DR. VICKI BELO

MULTI-VITAMIN INFUSION

SALAMAT DOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with