^

PSN Showbiz

Cristine babu na sa bonggang bahay, for sale ng P25 million

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit malungkot, ibebenta na pala si Cristine Reyes ang bahay niya sa Parañaque.

Naglabas ng nararamdaman si Cristine sa kanyang Facebook account.

“It’s really hard and sad to finally say goodbye to the house I called my home. My year went by fast and it was truly an experience. Come this bitter sweet moment that I bid farewell to it, I want to make sure that the next person to take over will treat it just the way I did: with love.

Together with my beloved family, I plan to move on with better opportunities and adventures up north... During this time, you may now want to start considering looking into my house.”

In fairness sa picture na naka-upload sa Facebook account niyang liked na 4.5 million, ang laki ng bahay na for sale ng P25 million.

Titira na si Cristine sa bahay na malapit sa kanyang ina.

After ng When The Love Is Gone, kasama rin siya sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy at nagso-      sho­oting din para sa My Trophy Wife. Kasama na rin si Cristine sa Honesto.

Kapamilya stars, magpapasiklabansa that’s Christmas

Ultimate battle of the stars ang regalo ng ASAP 18 ngayong Linggo (Dis­yembre 15) sa tapatan ng galing at talento ng naglalakihang Kapamilya stars sa 6th ASAP That’s Christmas.

Humanda sa wonderful Christmas treats na ipasasabog ng Team Winter 1derland ni Paolo Valenciano kasama ang kanyang mga miyembro na sina Charice, Sam Milby, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Nikki Gil, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Robi Domingo, Joseph Marco, Empress, Rayver Cruz, Juris, Meg Imperial, at Iza Calzado.

Tuloy na tuloy ang pagdiriwang sa show-stopping performances ng Team Pa2loy ang Pasko  ni Jericho Rosales kasama ang kanyang teammates na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Enrique Gil, Julia Montes, Yeng Constantino, Iya Villania, Jovit Baldivino, KZ Tandingan, Janella Salvador, Kean Cipriano, Princess, Sitti, at Bryan Termulo.

Kakaibang trip naman dapat abangan sa makapigil-hiningang production number ng Team Christmas 3p  na pamumunuan nina Enchong Dee at Maja Salvador kasama ang kanilang group members na sina Vina Morales, Erik Santos, Jed Madela, Aiza Seguerra, Angeline Quinto, Jessy Mendiola, Xian Lim, John Prats, Richard Poon, Nyoy Volante, Sam Concepcion, Jane Oineza, at Bugoy Cariño.

Abangan din ang sorpresang hatid ng bawat grupo kasama ang kanilang special guest.

Bukod sa ASAP That’s Christmas, mas magiging espesyal ang paunang Pamasko ng ASAP Kapamilya sa TV viewers sa pagbisita ng Teen King at Queen ng Philippine Showbiz na sina Kathryn at Daniel Padilla na parehong bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 entry ng Star Cinema at Regal Entertainment, Inc. na Pagpag: Siyam na Buhay.

Magdadagdag kulay at kasiyahan rin sa ASAP 18 ang back-to-back birthday celebrations ng Maria Mercedes star na si Jessy at ng ASAP Sessionista na si Richard; na susundan ng pagsalubong ng Star Magic family sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2013 finalists na sina Marion Aunor at Wynn Andrada.

Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang girl group na Tweens of Pop na binubuo nina Mika dela Cruz, Noemi Oineza, Angel Sy, at Alexa Ilacad kasama ang Kapamilya primetime leading ladies na sina Kim, Julia, Erich, at Kathryn.

Samantala, saksihan din ngayong Linggo ang makatindig-balahibong world-class concert showcase ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano at ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.                            

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALEXA ILACAD

ANGEL SY

ANGELINE QUINTO

BRYAN TERMULO

CRISTINE

KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with