^

PSN Showbiz

LT hindi puwedeng magtagal sa Paris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Paris, France — Bakasyon grande kami ni Lorna Tolentino at ng kanyang mga anak na sina Rap at Renz sa Paris, France. Ka-join din namin sina Gorgy Rula at Allan Diones na walang ginawa kundi ang mag-picture nang mag-picture.

Wala pang 10 days ang stay namin sa Paris. Kailangan ni LT na bumalik agad sa Pilipinas dahil sa kanyang mga commitment.

Siyempre, umiral ang pagiging social climber ko kaya naglakad ako nang naglakad sa The Avenue des Champs-Elysees, ang pinakasikat na kalye sa Paris. Ang ending, hiningal-hingal ako.

In fairness sa lugar, type ko ang weather ngayon sa Paris dahil winter nang huli akong pumunta rito noong 2011. Sobrang lamig noon kaya tinamad-tamad ako na rumampa. Natulog lang ako nang natulog sa bonggang bahay na tinirhan namin.

Sobrang haba ng umaga sa Paris dahil 10 p.m. na, mataas pa ang sikat ng araw kaya mahaba rin ang paglalamyerda sa kalye ng mga kasama ko.

Naririto rin sa Paris ang mag-asawang Krista Ranillo at Niño Lim. Wish ko lang, magkita-kita kami para ma-complete ang bakasyon grande ko sa Paris. Alam ni Krista ang cell phone number ko kaya i-text o tawagan mo lang ako para magkita tayo bago kayo bumalik ni Niño sa Amerika.

Juday at Gladys maraming alam na sikreto sa isa’t isa

Ngayong gabi ang start ng 22nd season ng Moments, ang TV show ni Gladys Reyes sa Net25.

Suportahan natin ang Moments dahil co-producer na nito si Gladys. Kapag nag-hit ang show, lalong magiging masaya si Gladys at ang kanyang production staff.

Ang mag-dyowang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang special guests ni Gladys sa Moments. Best of friends sina Gladys at Judy Ann kaya marami silang alam na sikreto. Panoorin ninyo ang tsikahan portion nila dahil marami kayong matutuklasan tungkol sa relasyon nina Ryan at Judy Ann.

Sa mga hindi makakapanood, may replay bukas, Linggo, 2 p.m., ang kaabang-abang na show ni Gladys sa Net25.

Paolo at Ping nagkaproblema sa nakaraan

Ngayong gabi rin pala ang airing sa Wagas ng GMA News TV ng love story nina Myke Sotero at Jojo Rugay.

The who sina Myke at Jojo? Sila ang dalawang mhin na nagkaroon ng relasyon dahil sa social networking site. 

Nang sila’y magkakilala, pareho silang hindi pa ganap na nakalilimot sa da­ting karelasyon pero unti-unting lumalim ang kanilang pagkakaibigan at pagtitinginan hanggang ma-in love sila at nagsama sa Baguio City.

Mas nakilala nina Myke at Jojo ang isa’t isa nang magsama sa ilalim ng iisang bubungan. At gaya ng ibang relasyon, ’di naiwasang maging sanhi ng kanilang hindi pagkakaunawaan ang kani-kanilang nakaraan.

Sina Paolo Contis at Ping Medina ang gumanap na Jojo at Myke. Dumayo pa ang dalawa sa Baguio City dahil dito kinunan ang kanilang mga eksena para maging makatotohanan ang kuwento.

Ibang-iba sa My Husband’s Lover ang kuwento ng love story nina Myke at Jojo. Parehong magaling na aktor sina Paolo at Ping kaya nabigyan nila ng justice ang mga karakter na kanilang ginampanan.

vuukle comment

ALLAN DIONES

BAGUIO CITY

DAHIL

GLADYS

GLADYS REYES

GORGY RULA

JOJO

JUDY ANN

MYKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with