^

PSN Showbiz

Sen. Bong at Jennylyn mainit ang naging lampungan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamaya sa Indio ay mapapanood ang mainit na love scene nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Jennylyn Mercado. First time na ginawa nila iyon sa TV kaya pareho silang kabado nung kinunan ang eksena.

Kampante naman daw si Jennylyn kay Sen. Bong dahil nagkasama naman sila noon sa Resiklo at matagal-tagal din silang nag-bonding sa Indio bago kinunan ang kanilang love scene.

May narinig pala kami tungkol sa Indio na babalik doon ang batang Indio na si Vincent Magbanua.  Ang dami raw kasing nag-request na gusto nilang mapanood ang bagets sa epic seryeng ito.

PAK: Itinanggi ni Rochelle Pangilinan ang nakarating na kuwento sa aming nagli-live-in na sila ng kasintahan niyang si Arthur Solinap.

Hindi pa naman nila kailangang magsama dahil madalas naman daw silang nagkikita.

Ayaw pa nga ni Rochelle na pag-usapan ang tungkol sa kasal dahil hindi pa naman nagpo-propose sa kanya si Arthur.

Pero kung si Rochelle ang tatanungin, si Arthur na ang gusto niyang makasama habang buhay.

Napagkasunduan naman nila ni Arthur na mag-iipon pa muna sila bago nila planuhin ang kasal.  Apat na taon na ang kanilang relasyon at handa naman siyang magpakasal kung mag-propose na si Arthur sa kanya.

BOOM: Totoo bang si Dinky Doo, Jr. ang komedyanteng tinutukoy ng kapatid ni Sammy Lagmay na nanloko raw sa kanya?

 Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, nung napabalitang may malubhang karamdaman si Sammy, nag-alok daw ito ng benefit show para makalikom ng pera para sa pagpapagamot nito.

Natuloy naman daw ang show at ang pagkakaalam nila ay nakakuha naman sila ng pera pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap sa kampo ng nag-alok.

Hindi na raw nila ma-contact si Dinky pagkatapos nun.

Pagkatapos lumabas sa Startalk ang kuwento ni Sammy, ang dami namang nagparating ng tulong para sa nakaratay na komedyante.

                                                                  

vuukle comment

ARTHUR SOLINAP

BONG REVILLA

DINKY DOO

INDIO

JENNYLYN MERCADO

NAMAN

ROCHELLE PANGILINAN

SAMMY LAGMAY

VINCENT MAGBANUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with