^

PSN Showbiz

Amalia Fuentes atat nang lumabas ng hospital

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK : Naging totoo lang si Atty. Joji Alonzo sa kanyang saloobin sa mga nagkukuwestiyon sa pagkuha sa kanyang anak na si Nico Antonio para magbida sa Posas na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Nang ni-revise daw ang script nakita nilang mas bagay ito kay Nico na matagal na rin namang nagtitiyagang mapansin sa showbiz.

“Naisip ko lang, it’s time to give him a chance. After all, this is my tenth film, and I have given a chance to many actors, and fortunately a lot of them have really shined after working in the film which I produced.

 “Siguro time lang na bigyan siya ng chance. Natakot ako actually, kung kaya ba niyang dalhin ang buong pelikula. But when I saw the entire film, ako mismo nagulat, kaya pala niya,” proud na pahayag ni Atty. Joji Alonzo.

Isa sa aabangan itong Posas sa Director’s showcase category na dinirek ni Lawrence Fajardo.

PAK: Nagtataka ang ilang staff sa director ng isang musical-variety show kung bakit ganun na lang ang galit niya sa isang kilalang aktor na nagsuot ng shades habang naghu-host ito.

Irita raw kasi si direk sa mga nag-shades sa TV lalo na kapag naghu-host o ini-interview.

Pero ang sabi naman ng iba, patapos na raw ang show at ang iba nga raw ang nag-aalisan na. Hindi na gaanong mapansin kung nagsi-shades man si aktor.

Pero parang malaking isyu na raw kay direk ang pagsusuot ng shades na parang ang tagal daw niyang makapag-move on.

Ang duda tuloy ng iba, baka hindi lang naman ang pagsi-shades ni aktor ang ikinairita nitong si direk kundi baka may iba pa raw na isyu na hindi pa namin alam.

BOOM : Hindi raw titigil si Amalia Fuentes hang­ga’t hindi raw nito napapakulong ang mag-asawang Peter Tan at Rosemarie Licup na diu­mano’y nanaksak ng payong sa kanyang likod at nanakit sa kanyang anak na si Jeric.

Hindi na raw kasi matagpuan ang mag-asawang dating nakatira sa kanyang bahay sa New Manila. Kaya willing daw siyang gumastos para mahanap lang ang mga ito para mapanagutan ang ginawa sa kanila.

 “Pursigido akong kasuhan sila. Lalo na buhay namin ng anak ko ang nakataya rito.

 “Yung kay Annabelle (Rama) nga na bungangan lang ‘yun, pursigido akong kasuhan siya, ito pa kaya?” bulalas ni Amalia.

Nabu-bore na nga raw siya sa hospital at gusto na nitong lumabas para masimulan na raw niyang ayusin at makasuhan na ang mag-asawang ito.

Ayaw lang daw siyang palabasin pa ng kanyang attending physician dahil marami pa raw tests na gagawin sa kanya para matiyak lang na ligtas na siya.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

JOJI ALONZO

LANG

LAWRENCE FAJARDO

NEW MANILA

NICO ANTONIO

PERO

PETER TAN

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with