^

PSN Showbiz

Dalawang magagaling na aktres iiwan na ang TV network na gagawa sana ng malaking teleserye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi na tuloy ang malaking teleserye na pinaplano ng isang network para sa dalawang malalaki at magagaling na aktres dahil hindi na babalik sa network si Actress A. Tuluyan na pala itong umalis sa istasyon na nagbigay sa kanya ng isa sa pina­kamagaganda niyang teleserye.

May posibilidad ding hindi na mag-renew ng kontrata sa network si Actress B na dapat makakasama ni Actress A sa teleserye dahil babalik na sa iniwang network. The last time na nakausap namin si Actress B, looking forward ito sa project nila ni Actress A dahil ngayon lang uli sila magkakasama.

Bale ba, nakahanda na ang lahat para sa teleserye, last year pa nag-ocular visit para sa gagawing location ng serye. Masalimuot ang rason kung bakit hindi na babalik sa iniwang network si Actress A at maraming involved na tao. Sayang tuloy ang big project!

Rufa Mae ibuburo muna ang love life para sa tatlong pelikula

Viva Artists Agency talent na pala uli si Rufa Mae Quinto, nalaman na­min ito nang makausap ang seksing komed­yante sa taping ng Daldalita. Ka­ya ang Viva Films ang tutulong sa kanya, at sa Brown Sugar Productions nila ni Boy 2 Quizon, na mag-release nang ipoprodyus nilang mga pelikula.

 Tatapusin lang ni Rufa Mae ang taping ng Daldalita, sa Jan. 28, (sa Feb. 3 ang last airing) at sisimulan na niya ang una sa three movies na gagawin niya this year. Ang love story-comedy to be directed by Martin Aviles ang uunahin niyang gagawin at my action-comedy at comedy-horror pa.

Business partners din ni Rufa Mae sina Cong. Bullet Jalosjos, Direk Martin, at Rambo Nu?ez. Pati raw love life, ililigwak muna niya para sa tatlong pelikulang gagawin. Although hindi kami naniniwalang friend at partner lang niya si Boy 2.

Gaya sa ibang kasama sa Daldalita, nalulungkot si Rufa Mae sa nalalapit nitong pagtatapos dahil she gained new friends at gugustuhin niyang muling makasama sina Ogie Alcasid, Jillian Ward, Marc Abaya, Manilyn Reynes, at iba pa.

vuukle comment

ACTRESS A

ACTRESS B

BROWN SUGAR PRODUCTIONS

BULLET JALOSJOS

DALDALITA

DIREK MARTIN

JILLIAN WARD

MANILYN REYNES

MARC ABAYA

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with