^

PSN Showbiz

Kris ready na sa bagong love life, magda-drama at makikipag-love scene na rin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Muling gagawa ng isang teleserye ang aming kaibigang si Kris Aquino. Ibang klaseng Kris ang mapapanood, ayon sa Queen of All Media.

“I can confirm it. I cannot say who are the leading men pero I can say that Anne Curtis and I will definitely do our teleserye in 2012. I’m so excited about that, and then may movie ako na hindi po horror. Pinagkatiwalaan na po ako ng Star Cinema na bigyan na ako ng drama, so I’m an actress,” nakangiting pahayag ni Kris.

Hangad niyang maging isang magaling na aktres kahit hindi siya manalo ng acting award sa isang proyekto. “Si Direk Chito (Roño) alam mo kung gaano ka-prangka siya, sinabihan niya ako, ‘Hoy Krissy, Miss Witch! Kung hindi mo pa gagawin ito ngayon ’tapos hindi ka na pagnanasahan, umoo ka sa akin na magla-love scene ka, shooting na tayo.’ Witch ang tawag niya sa akin,” natatawang kuwento ni Kris.

Ayon pa kay Kris na talaga namang maganda ang istorya nang ini-offer sa kanyang pelikula ni Direk Chito kaya siya napapayag.

“Na-realize ko na it’s about a breakdown of a relationship. In any relationship there is passion, there is love, there is hatred. It’s all facets of that and siguro naman naramdaman nila na ready na ako for that so excited ako for that,” paliwanag ni Kris.

Samantala, handa nang magmahal ulit ang aktres kung sakaling may dumating na bagong pag-ibig sa 2012.

“Yes, sa oras na mabigay ’yung annulment papers ’tapos kasi may rule riyan na 60 days dapat tumahimik ka. Dapat ’di mo i-announce, ’di mo pag-usapan, baka i-contest pa. After those 60 days at dumating siya sa buhay ko eh goodbye to being an actress,” pagtatapos ni Kris.

AIAI may share rin sa ENTENG NG INA MO...

Confident si AiAi Delas Alas sa kanilang pelikula ni Vic Sotto na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Enteng ng Ina Mo. Nangangarap ngayon ang Comedy Concert Queen na muling makakuha ng Box-Office Queen title para sa nasabing pelikula.

“Interesting ang pelikula dahil nag-merge po ang Tanging Ina at Enteng Kabisote. Minsan iisipin natin paano kaya nangyari ’yun? Pambata, pampamil­ya, napakagandang pelikula,” nakangiting pahayag ni AiAi.

Ano kayang na­ra­ramdaman ng ak­tres ngayong hindi niya nakasama sa pelikula si Direk Wenn Deramas na siyang may gawa ng lahat ng pelikulang Tanging Ina?

“’Yung tungkol kay Direk Wenn, matagal ng issue ’yun eh pero tingin ko, sa sitwasyon na ganito, bunso lang po ako sa Star Cinema. Sumusunod lang po ako bilang tauhan. Siyempre para iwas tanong, ako ang bunso. Wala akong karapatang sumagot, ’yung mga panganay nandiyan, mga may-ari, mga boss,” natatawang sagot ni AiAi.

Nagkaroon siya ng share bilang investor para sa kanilang pelikula ni Bossing Vic. “Opo, binigyan ako ng konting share ng Star Cinema. ’Yung kay Bossing ang malaki,” pagtatapat pa ng komedyana.

Mapapanood na simula sa Dec. 25 ang Enteng ng Ina Mo.   Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANNE CURTIS

BOSSING VIC

BOX-OFFICE QUEEN

COMEDY CONCERT QUEEN

DELAS ALAS

INA MO

STAR CINEMA

TANGING INA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with