^

PSN Showbiz

Kahit may anak na Vina pinagnanasaan pa rin!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kahit may anak na at hiwalay na sa ama ng kanyang anak, napaka-desirable pa ring maitutu­ring ng isa ko pang anak-in-law na si Vina Morales.

Kapatid si Vina si Shiela Magdayao, ang asa­­wa ng anak kong si Freddie. Apat silang nag­ga­gan­dahang Magdayao, ang dalawa pa ay sina Shai­na at Sheryl, pawang sa S nagsisimula ang mga pangalan. Sharon ang totoong pangalan ni Vina. 

Bagama’t napakaganda pa rin ni Vina, it’s not just her beauty which many men desire kundi ang kagalingan niyang mag-perform.

Hindi baleng sabihing biased ako pero sa akin isa si Vina sa tatlong pinakamagagaling na singer/performer sa bansa.

Go catch her in in one of her concerts here para malaman n’yo kung ano ang sinasabi ko. Kaya naman mabenta siya sa abroad. Lahat ng Pinoy na nakapanood na sa mga shows niya sa abroad ay paborito siya.

Napapanood n’yo ba siya lately sa Nasaan Ka, Elisa? at ’di ba maga­ling siyang artista? To think na tumanggap siya ng isang offbeat role para maipamalas ang kanyang versatility.

Naalala kong bigla si Vina dahil napanood ko siya sa isang episode ng Showtime, ’yung inamin ni Kim Atienza na niligawan niya ang singer-actress nung kabataan nila pero binasted siya. ’Di ‘yun alam ng marami ha? Ang maganda sa dalawa, they have remained good friends at kahit nag-fail ang relationship ni Vina, masaya siya with her daughter at si Kim naman is a happily married man.

Alfred at Maribeth nagbigay ng leksiyon

Mahirap ba talaga ang buhay dahil hindi lamang mag­papamilya ang nag-aaway-away at nagpapata­yan dahil sa pera kundi dumarami ang bilang ng mga  kasambahay na tinatabla na ang kanilang amo?

Kailan lamang ay nabalitang si Konsehal Alfred Vargas ay pinagtangkaan din ng masama ng kanyang katulong nang balakin nitong tangayin ang kanyang kaha de yero.

Si Maribeth Bichara, ang napakagaling na cho­reogra­pher na una na­ting nakilala sa VIP show ni Gov. Vilma Santos ay ninakawan din ng kanyang katulong na may walong taon nang naglilingkod sa kanya. Yes, walong taon, at nagawa pa siyang pagnakawan!

Hindi ako magtataka kung baguhan lang itong na­ninilbihan sa amo niya pero ang tagal-tagal na nilang magkasama, bakit nagawa pa niya itong gawan ng masama?

Hay naku, kaya kayong mga naghahanap ng katulong, mga kakilala ng kakilala n’yo ang kunin n’yo, kung puwedeng kamag-anak, sila na lang. 

Tatlong Kapuso stars nakikitaan na ng potential

Binabati ko rin ang tatlong Kapuso bagets na napiling Best TV Newcomers sa katatapos na Star Awards For TV, sina Derrick Monasterio, TJ Marquez na isa kong co-host sa Walang Tulugan With Master Showman, at ang bibung-bibong si Jillian Ward.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

JILLIAN WARD

KIM ATIENZA

KONSEHAL ALFRED VARGAS

NASAAN KA

SHIELA MAGDAYAO

SHY

SI MARIBETH BICHARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with