^

PSN Showbiz

Niño tinalbugan ang mga taga-Iran

- Veronica R. Samio -

Nanalo ang indie film na Niño sa Busan International Film Festival. Naka-tie ito ng entry ng Iran na Mourning sa kategorya ng New  Currents. Tumang­­gap ang pelikula ng $30,000 o katumbas ng P1.2 M. Kabilang ang dalawang pelikula sa 11 entries na nagmula sa 13 bansa sa buong mundo.

Ang Nino na pinangungunahan nina Fides Cu­yugan Asensio at Jhiz Deocareza ay kuwento ng isang pamilya na nanganganib mawalan ng tirahan. 

Sheena takot patulan si Rochelle

Kilalang tahimik lamang at halos ‘di naiintriga o nasasama sa mga kontrobersiya si Sheena Halili. Marami ang nagtataka kung bakit bigla ay nagkaroon siya ng isyu kay Rochelle Pangilinan. Pinagbibintangan siyang nagbigay ng hindi magandang ko­mento sa boyfriend ni Rochelle na si Arthur So­linap. Sinabi raw niya na mas mukhang tatay ito ni Rochelle kaysa boyfriend. Na-offend daw si Rochelle kaya naapektuhan ang dati nilang magandang samahan sa set ng Amaya, nag-iiwasan na umano sila ngayon.

Itinanggi naman ng dating Starstruck Avenger  ang akusasyon.

 “Ako pa, eh hindi naman ako masalita. Wala akong natatandaan na nagsabi ng ganun tungkol kay Arthur. If ever baka naman joke. Okay din naman kami ni Rochelle, wala kaming away. Kung may sama siya ng loob, alam ko sasabihin niya sa akin. Ako rin naman, magso-sorry kung alam kong nakasakit ako. Pero talagang wala akong maisip o matandaan na nagsalita ako ng tungkol kay Arthur,” paliwanag ni Sheena.

Anak ni Aga natikman nang kumita

Mapigilan pa kaya nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang tuluyang pag-aartista ng isa sa kanilang kambal na si Atasha ngayong natikman na nito kung paano maging isang artist? Kasalukuyang lumalabas ang isa sa Muhlach Twins sa musical play na The Sound of Music na mapapanood sa Resorts World Manila bilang isa sa mga Von Trapp children. Tatakbo ang palabas hanggang Disyembre 11 sa direksiyon ni Roxanne Lapuz.

Sinabi ni Aga na una’t huling paglabas na ito ng kanyang kambal. 

Isa pang anak ni FPJ babalikan ang showbiz

Back in town si Anna Marin. Ma-inspire kaya itong pabalikin sa kan­yang pag-aartista ang anak nila ni FPJ? Ma­ta­tandaang mas naunang mag-artista ang anak ni Ana kaysa kay Lovi Poe. Baka nalaman na niya ang tinatamong kasikatan ng kapatid sa ama ng kanyang anak na lalaki kaya papayagan na niyang balikan ng anak ang iniwan nitong career.

Kapamilya child stars aariba sa bagong serye

Maraming fans ng mga Kapamilya child stars ang gusto nang hilahin ang pagdating ng buwan ng Nobyembre, hindi dahilan sa pagdating ng Pasko kundi sa pagdating ng mga bagong programa ng Dos na ipinangako nilang  magtatampok kina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat at ‘yung gumaganap ng Kevin sa 100 Days to Heaven.

Lubhang napamahal na sa manonood ng TV ang mga batang ito kung kaya nagbibigay lungkot sa kanila ang nakatakdang pagtatapos ng kuwento ni Anna Manalastas.

Nakatanggal lang ng kanilang lungkot ang pa­ngako ng ABS-CBN na may mga bagong palabas ang mga child stars nila ngayong Nobyembre.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANG NINO

ANNA MANALASTAS

ANNA MARIN

ARTHUR SO

BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CHARLENE GONZALES

FIDES CU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with