^

PSN Showbiz

I Juander, may AI-reconstructions ng Intramuros at Ilog Pasig

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
I Juander, may AI-reconstructions ng Intramuros at Ilog Pasig
I Juander
STAR / File

Sa pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng I Juander ngayong Nobyembre, magkakaroon ito dalawang special episodes na magtatampok sa mayamang kasaysayan at pamana ng Intramuros at ng Ilog Pasig.

Gamit ang archival photographs, historical accounts, at artificial intelligence o AI-assisted visual reconstructions, muling bibigyang-buhay ng anniversary special ang forgotten stories and lost landmarks na na­ging bahagi ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas.

Sa pagdiriwang na ito ang tanong na: I Juander… nakatutulong ba ang makabagong teknolohiya upang higit nating maunawaan at pahalagahan ang ating kasaysayan?

Magsisimula ang anniversary special sa Nov. 22 sa episode na Balik-sulyap sa Intramuros.

Isasama nina Susan Enriquez at Empoy Marquez ang mga manonood sa Intramuros upang balikan ang mahahalagang lugar at mga istrukturang naglaho, nasira, o nabura sa paglipas ng panahon. Kabilang sa mga tampok na lugar ang dating Real Monasterio de Santa Clara at ang Church of San Nicolas. Makikibahagi rin sa episode ang young history enthusiast at content creator na si Max Cruz pati ang historian na si Professor Xiao Chua.

Magpapatuloy ang anniversary special sa Nov. 29 sa episode na Agos ng Pasig sa Kasaysayan, tampok naman ang mayamang kasaysayan ng Ilog Pasig. Makakasama sa paglalakbay ang batang Pasigueño na si Kyler at ang historian at researcher na si Francis Yumul, pangulo ng Samahang Pangkasaysayan ng Pasig.

Kabilang sa mga lugar na bibigyang-pansin ang Escolta, Lawton, Guadalupe, Pinagbuhatan at Malacañang. Muli ring tatalakayin ang mga kuwento sa likod ng Bapor Tabo, ang dating Puente Colgante na kilala ngayon bilang Quezon Bridge, ang tahanan ni Apolinario Mabini, at ang mga lugar na iniuugnay sa mga nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

JUANDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with