^

PSN Showbiz

Bea, nangangailangan ng boto!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea, nangangailangan ng boto!
Bea Millan-Windorski
STAR / File

Makamit kaya ni Bea Millan-Windorski ang ika-limang Miss Universe crown para sa Pilipinas?

At bago ang coronation night, nasa kapangyarihan natin na matulungan siyang makamit ang korona sa pamamagitan ng pagboto sa kanya sa Miss Universe app dahil bukas na ang fan voting ng kumpetisyon.

Maaari ring panoorin si Bea sa kanyang pakikipagtagisan sa mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pag-asang maiuwi sa Pilipinas ang ika-limang Miss Universe crown.

Mapapanood nga nang live mula sa San Juan, Puerto Rico sa Miyerkules (Nobyembre 25), 8 a.m., sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel at iWant ang pambato ng bansa na si Bea Millan-Windorski sa kanyang pagsabak sa ika-75 edisyon ng Miss Universe.

Bukod sa pagtaas ng bandera ng Pilipinas, nais din niyang gamitin ang Miss Universe platform upang higit na maitaguyod ang pangangalaga sa karagatan at proteksyon ng mga pawikan, mga adbokasiyang matagal na niyang isinusulong sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto sa bansa.

BEA MILLAN-WINDORSKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with