^

PSN Showbiz

Luis bumait dahil kay Angel

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Aminado ang Star For All Seasons na napakalaki ng nakikita niyang pag­babago sa kanyang panganay na si Luis Manzano mula nang maging karelas­yon nito si Angel Locsin.

Diretsong pinasalamatan ni Governor Vilma Santos ang dalaga sa maraming kakaibang pagbabago ni Luis ngayon, bukod daw kasi sa blooming na blooming ang kanyang anak ngayon, kapansin-pansin din ang positibo nitong pananaw sa buhay.

“Of course, kilala ko ang anak ko, wala siyang maitatago sa akin. Sa tingin pa lang, alam ko na kung masaya siya o problemado, kung nasa mood siya o wala, hindi ko na siya kailangan pang tanungin,” simulang kuwento ng matagumpay na aktres-pulitiko.

Pero mula raw nang maging karelasyon na ni Lucky si Angel ay marami siyang nakikitang kakaiba sa kanyang panganay, palagi raw masaya ang kanyang binata, kailangan pa nga ba namang itanong ang dahilan kung bakit?

“Pareho lang kaming workaholic ng anak ko. Very visible siya ngayon, meron siyang teleserye sa ABS-CBN, meron pa siyang ihino-host na talk show at marami pa siyang corporate shows na pinupuntahan.

“But despite that, nakikita ko na hindi siya napapagod, wala rin sa kanya ang pag-init ng ulo dahil sa sobrang pagtatrabaho, kasi nga, inspired ang anak ko!

“And I should give the credit to Angel, I should thank her for my son’s happiness, nakikita ko na palaging masaya si Lucky, hindi siya nakakaramdam ng pagod, dahil palagi siyang inspired,” papuri ng aktres sa karelasyon ng kanyang anak.

Alam ni Governor Vilma na magkakaroon ng sorpresa para sa kanya ang kan­yang staff sa Kapi­tolyo ng Batangas, inaasahan din niya na hindi magpa­pakabog ang kanyang mga tagahanga, pero hindi niya inakalang ganun magiging kasaya ang kanyang selebrasyon.

Umakyat sa entablado ang buong staff niya sa Kapitolyo, kinanta ng mga ito ang Through The Years, at ang naging kasunod nun ay ang pag-ihip ni Governor Vilma sa 55 na kandila sa cake.

At natural, hindi nagpatalbog ang kanyang mga tagahanga, umaga pa lang ay bumiyahe na sa Batangas ang mga miyembro ng VSSI, may ihinanda silang production number para sa kanilang idolo.

Kinarir ng mga Vilmanians ang mga naging karakter niya sa peli­kula, pinaghandaan yun ng kanyang mga tagahanga, tuwang-tuwa ang gobernador ng Batangas habang pinanonood ang mga ito.

Nandun siyempre ang pamilya ng aktres-pulitiko, binati siya ng kanyang asawang si NEDA Secretary Ralph Recto, ng kanilang anak na si Ryan Christian at nina Luis Manzano at Angel Locsin.

Sa kabuuan ay naging masayang-masaya ang selebrasyon ng kaarawan ni Governor Vilma nung nakaraang lunes, taun-taon ay hindi siya nakakalimutang paligayahin ng kanyang mga tagahanga, masarap naman kasi talagang mahalin ang isang tulad ng aktres-pulitiko na hindi pinagbabago ng kayamanan, kasikatan at kapangyarihan ang naturalesa.

* * *

Ibinalita sa amin ni Cesar Santiago, kaibigan naming Vilmanian, na pagkatapos makisayaw ng Star For All Seasons sa VIP Dancers ay malapit na siyang mahulog nung pababa na siya sa entablado.

Mabuti na lang daw at nasalo si Governor Vilma ng kanyang mga security, pero ayon kay Cesar ay wala pa ring kupas ang husay sa pagsayaw ng aktres-pulitiko, walang ensayo ‘yun pero nasabayan niya nang saktong-sakto ang VIP Dancers na pinama­halaan ng kanyang kaibigang si Maribeth Bichara.

Pauwi pa lang ang grupo pabalik sa Maynila ay nakatanggap na agad ng text message si Jojo Lim mula kay Governor Vilma, palagi siyang ganun, hindi siya nakalilimot magpasalamat sa mga taong nagbi­bigay ng pagpapahalaga sa kanya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BATANGAS

GOVERNOR VILMA

KANYANG

LUIS MANZANO

SHY

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with