^

PSN Showbiz

Lovi hindi consistent ang acting, sweet pa rin kahit kontrabida

- Veronica R. Samio -

Nung magbalikan lang sila nabatid ng publiko na nagkaroon ng relasyon sina Alwyn Uytingco at Princess Ryan, parehong artist ng ABS-CBN, si Alwyn ay miyembro rin ng boy band na Boyz.Com at si Princess Ryan ng all girl sing & dance group na Koolchx. Bago ito, deny to death sila kapag tinatanong kung anong relasyon meron sila.

“Kailan lang kami nagbalikan, sa birthday party ng isang friend, siya (Princess) ang gumawa ng move para kami magkausap at magkasundong muli,” masayang kuwento ng 20 taong gulang na aktor na gumanap  ng batang Albert Martinez sa pagbabalik ni Regine Velasquez sa Maalaala Mo Kaya.

Pangarap ni Alwyn maging loveteam sila ng nobya. “Siya ang sagot sa isang matagal nang dream na magkaroon ng girlfriend na isang model. She’s the girl of my dreams. Pero bukod dito, napakabait pa niya,” patuloy na papuri nito sa gf.

* * *

I’m sure proud ang GMA 7 sa pagkakapili nila kina Lovi Poe at Glaiza de Castro para pangunahan  ang Kaputol ng Isang Awit dahil pinapanood ito ng marami. At puring-puri nila ang dalawang aktres dahil ‘di sila binigo.

Si Lovi, puwede palang mag-kontrabida. Kon­ting salbahe pa at isusumpa na siya ng mga ma­no­nood.

Minsan kasi, lumalabas pa rin ang kan­yang pagiging sweet na naiintindihan ng marami dahil bukod sa isa siyang baguhang artista ay ngayon lamang tumanggap ng character role.

Magsisilbing challenge ang dalawa sa kani­lang mga kapareha na sina Marky Cielo at Jolo Revilla. Hahanapan din sila ng mga manonood ng kasing-husay na pagganap na tulad ng ipina­mamalas ng dalawang kabataang aktres. 

* * *

Isinugod isang madaling araw ang Palos star na si Cesar Montano sa isang ospital. Nangyari ang insidente habang nagti-taping siya ng isang eksena para sa kanyang action teleserye. Dahil ang eksenang kanilang kinukunan ay mayroong blasting o pagsabog, hindi sinasadya na may tumalsik sa kanyang mata at na-injure ito. Mabilis namang rumesponde ang mga taga-ABS-CBN TV production at dinala agad siya sa pinaka-malapit na emergency room sa Maynila. Hindi kailangang mag-alala ng mga Cesar Montano fans dahil nagamot naman ito agad at maaari na muling magtrabaho si Palos.

Dahil sa kagustuhan ni Cesar na maging maganda at de kalidad ang pinaghihirapang action-serye, siya mismo ang gumagawa ng kanyang mga fight scenes kung saan malaki ang risk pero ayon sa kanya, worth it. Patunay lamang ito na talagang pinaghahandaan ni Cesar, maging ng iba niyang co-actors, co-actresses at production team ang Palos, tuwing gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

* * *

E-mail:  [email protected]

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

CESAR MONTANO

PALOS

PRINCESS RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with