Nagkabalikan ba sina Martin at Katrina?
Tama ang sinabi ni Regine Velasquez na kung wala nang magtatanong sa tsismis sa kanila ni Ogie Alcasid, mamamatay na ito. Muling uminit ang sitsit sa kanila dahil magkasama sila sa pre-Valentines Day concert na Forever After (A Fantaconcierto). Pati nga si Rico J. Puno, sumali sa panunukso na kanilang ipinag-blush.
Regine: "Wala akong dapat ika-ilang. Okey lang, bat ko naman seseryosohin ang hindi totoo? Hindi talaga matitigil ang tsismis dahil parating may nagtatanong at nasusulat uli. But, were only friends."
Ogie: "Hindi rin ako naiilang. Parang nasanay na rin ako at naniniwala akong di ito titigil habang magkasama kami sa trabaho. Kahit paano maganda rin para may pinag-uusapan."
Samantala, wala pang katiyakan ang movie nina Regine at Piolo Pascual na co-produced ng Viva Films at Star Cinema. Schedule ng dalawa ang problema at nagpahayag si Regine na ayaw na niyang maghintay lalot, marami siyang naka-schedule na concert.
Kasama rin pala sa concert nina Regine at Ogie na gagawin sa Araneta Coliseum si Aiai delas Alas. Si Rowell Santiago ang director nito at sa script ni Ricky Lee.
Hindi entertainment writer ang nakapag-interview kina Martin at Katrina kaya, hindi inalam (o talagang iniwasang), mangialam sa kanilang love life. Kung nagkabalikan ang dalawa, paano na si Cutie del Mar na consistent ding nali-link sa singer?
Pang-Wednesday episode ang Boys Will Always Be Boys. Makikipag-palitan ng input on dating and other issues on relationship sina Alfred Vargas, Carlo Aquino, Dion Ignacio, and James Blanco.
Continuation ng Wednesday episode ang topic sa Thursday, February 2 na Girls Just Wanna Have Fun. Guests sina Maggie Wilson, Pauleen Luna at Sheena Halili.
Maraming matututunan ang viewers kina Rita Avila, Rubi-Rubi, Ma. Christina dela Paz at Beth Tamayo sa episode na Ladies In Waiting. Matagal ng kasal ang mga nabanggit pero, wala pa rin silang anak. They will share their fears and hopes that someday, bibiyayaan sila ng anak.
Hindi kami sure kung alam na ng magka-love team na hindi ang friend at favorite nilang director ang hahawak sa pelikula. Tiyak ding madi-disappoint ang director sa desisyon ng producer dahil inakalang sa kanya ibibigay ang project.
As we go to press, wala pang balita kung sino ang bagong director na ipapalit ng producer sa unang director.
- Latest
























