Piolo, ‘di takot tumanda!

Papasok na sa kanyang golden era ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual, kung saan binabalikan niya ang kanyang buhay at showbiz career sa pinakabagong edisyon ng Metro Artist Spotlight.
Sa kanyang paglapit sa edad na 50 sa susunod na taon—kasabay ng pagdiriwang ng halos tatlong dekada sa industriya—buong pasasalamat na niyayakap ni Piolo ang buhay, habang ibinabahagi niya sa Metro ang mga mahahalagang yugto na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa kanyang buhay ngayong singkwentahin na siya. “It’s more significant in a way. Because I get to choose the things that I want to do. And I get to prioritize my family, especially my son. I guess I’m more relaxed this 2026. And that’s why I’m celebrating life with a concert, an album, and a coffee table book just to, you know, put an end to the first half of my century,” sabi niya sa exclusive Metro feature.
Ibinahagi rin ni Piolo ang kanyang mga saloobin tungkol sa pagtanda at sa pagbibigay-prayoridad sa mga bagay na pinakamahalaga para sa kanya.“It’s inevitable. You’re going to have to get old. But I have this Peter Pan syndrome. I love feeling young,” he shared.
Dagdag pa ng aktor, “It feels good to have the knowledge that I’ve acquired through decades of my existence. But at the same time, I keep the young spirit within me, and I think that’s what makes me want to do more. So you never stop at 50.”
Ahh, ang tanong lang, pag tapak kaya niya ng golden era, magka-lovelife na siya?
- Latest



















