^

PSN Showbiz

Ama ni John Lloyd, nanghataw ng baseball bat!

-
Inireklamo ng isang nagngangalang Joe Figueroa ang ama ng actor na si John Lloyd dahil sa pamamalo ng baseball bat sa kotse nito nang magkagitgitan sila sa may Town and Country Club sa may Rizal. Sa halip na pag-usapan umano ang nangyari ay nagulat na lamang siya nang walang patumanggang hatawin nito ng baseball bat ang bubungang bahagi ng kanyang kotse. Bago ito ay pinagmumura siya ng ama ng aktor. Matapos ang pamamalo ng baseball bat ay bigla na lamang umano nitong pinaharurot ang sasakyan na nasa pangalan ni John Lloyd.

Ngunit bago pinasibad ang sasakyan ay tinadyakan pa raw ng tatlong beses ng driver nito ang likurang pintuan ng kanyang kotse kung kaya’t nayupi.

Nananawagan si Figueroa na sagutin ng ama ng aktor ang gastusin sa kanyang sasakyan upang hindi na sila umabot pa sa korte. – Tonton Villamor

FIGUEROA

INIREKLAMO

JOE FIGUEROA

JOHN LLOYD

MATAPOS

NANANAWAGAN

NGUNIT

RIZAL

TONTON VILLAMOR

TOWN AND COUNTRY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with