^

PSN Showbiz

Bossing Vic, makikipagkulitan kay Vice

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bossing Vic, makikipagkulitan kay Vice
Bossing Vic Sotto at Vice Ganda

May bigating patalbugan ng kulitan at tawanan sa season finale ng Gandang Gabi Vice (GGV) dahil sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ng Pheno­menal Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ang nag-iisang Bossing Vic Sotto, na mapapanood ang kanilang extended harutan sa Gandang Gabi Vice: Unfiltered, exclusively sa iWant.

Dadalhin ng noontime icons ang kanilang istilo sa pagpapatawa sa late-night habang ibabahagi rin nila ang kanilang naisin na makapagbigay saya at inspirasyon sa nakararaming Pilipino. Ilalahad din ni Bossing Vic ang kanyang buhay sa likod ng camera, at babalikan niya ang kanyang makulay na karera sa showbiz.

Samantala, ikukuwento rin nina Vice at Vic ang kanilang ‘di malilimutang moments sa kanilang kauna-unahang pagsasama sa pelikula na The Grea­test Showdown, ang opisyal na entry ng Star Cinema sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF). Mapapanood ito nationwide sa mga sinehan simula ngayong Pasko.

Makikisali rin sa tawanan sina Jose Manalo, Ryan Bang at Klarisse de Guzman, na sasabayan din ng special musical performance mula sa kauna-unahang Eurovision Asia winner na si Carmelle.

Mapapanood din ang GGV tuwing Linggo, 10 p.m. sa GMA habang ipalalabas din ang TV episode nito nang libre sa iWant (para lamang sa PH users).

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with