^

PSN Showbiz

"I'm sure natutuwa rin si Claudine sa success ng 'Marinara'-Rufa Mae

- Veronica R. Samio -
Sa isang pakikipag-usap kay Rufa Mae Quinto, sinabi nito na hindi siya apektado ni bahagya man sa umano ay sinasabi ng kalaban nilang istasyon at maging ng maraming taga-suporta nito na kopya lamang ang kanyang Marinara ng Marina ng ABS CBN na nagtatampok kay Claudine Barretto.

"Ang tanging pagkakatulad lamang siguro ng mga programa namin ay parehong may sirena na character ang mga programa pero, maliban dito, wala na. Hindi kami isang soap kundi isang spoof ng maraming mga soaps na may dalawang taon nang nasa isipan ni Regine (Velasquez) pero, ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon na maisalin sa telebisyon," panimula ng seksing aktres.

Yung tungkol naman sa sinasabing wala nang napapanood sa Marinara dahilan sa tinambakan na ito ng katakut-takot na komersyal, sinabi ni Rufa Mae na talagang nine minutes ang nakalaang oras sa commercial loads nila. Minsan may mga hindi matanggihang produkto kung kaya umaabot sila ng 12 minutes pero never naman na nasira ang kanilang palabas. "Siguro napupuna lamang nila dahil mas marami kaming commercial kesa sa kanila," anang isang executive ng GMA na kasama ni Rufa Mae nang makausap namin. Dagdag naman ni Rufa Mae, "I’m sure natutuwa rin si Claudine sa success ng Marinara."

Tatlong roles ang ginagampanan ni Rufa Mae sa Marinara at nangangahulugan lamang ito na times 3 din ang katuwaan na nararanasan ng mga manonood. Di nakapagtataka kung bakit patuloy ang magagandang feedback na natatanggap nito mula sa mga manonood at sa mga kritiko.
* * *
Nag-react si Tracy Torres na pinalitan na siya ni Aleck Bovick bilang Pictorial Queen.

"Nagpahinga lang ako pero, sa susunod kong pictorial, titiyakin kong akin pa rin ang titulo. Minana ko yata yan kay
Lorna Tolentino! He! He! He!" sabi niya.

"Hindi naman dapat pag-awayan yan, dahil hindi naman pinagkakaperahan yan, no!? Mas gusto kong ma-release na sa
Leo Films dahil gusto ko nang gumawa ng pelikula.

Patapos na ang kontrata niya ngayong buwang ito.

"Miss ko nang gumawa ng pelikula. Miss ko nang maghubad," aniya.

Kahit walang pelikula, abala siya sa kanyang negosyo, ang Tracy’s Treasures. May ipo-prodyus silang fashion show ni
Rose Valencia sa Music Museum sa September kasama ang 10 sexy stars.
* * *
Lumabas na ang three week-old na apo kong si Andrew

vuukle comment

ALECK BOVICK

CLAUDINE BARRETTO

LEO FILMS

LORNA TOLENTINO

MUSIC MUSEUM

PICTORIAL QUEEN

ROSE VALENCIA

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with