Ni Mag-CR di nagawa
April 4, 2004 | 12:00am
Matagal na rin naman na nakapanood ako ng isang pelikula na hindi ko nakuhang tumayo sa aking upuan, hanggang sa matapos. Kahit na nga naji-jingle na, pinigilan ko pa rin upang walang makalampas na eksena sa Paycheck na dinirek ni John Woo.
Bida sa Paycheck na released ng Viva Films ang Academy Award winner na si Ben Affleck sa papel ng henyong inhinyerong si Michael Jennings.
Sa pelikula ay binabayaran siya ng malaking halaga upang makalikha ng mga modernong equipment. Tulad noong simula, gumawa siya ng isang computer na maaring lumabas ang mga tao na tila totoong tao na kausap mismo ng nanonood sa harap ng TV screen o monitor.
Sumunod na sequence, inaalok siya ng $100 million upang lumikha ng isang makinang magpapakita ng mga future happenings ng mga tao at pati na ang mga bansa sa buong daigdig.
Kahit sobrang high-tech ng pelikula, (mahihiya ang mga sineng James Bond), madali namang intindihin. Lalo pat kahit ang mga barung-barong sa Kamaynilaan at sa mga probinsiya meron ng sariling personal computers.
Sa kontratang pumayag si Michael Jennings (Ben Affleck) ay mamalagi siya ng tatlong taon sa loob ng kanyang workplace, kung saan binigyan na rin siya ng magarang tirahan. Kapag natapos ang kanyang trabaho, makukuha niya ang "Paycheck".
Kasama pa sa kontrata na kailangang burahin lahat sa kanyang memory (utak) ang lahat ng bagay na ginawa niya sa tatlong taon nagtrabaho siya doon.
Kaso hindi tumupad sa usapan ang taong kausap ni Jennings. Nawala ang perang dapat ideposito sa account niya sa bangko at gusto pa siyang patayin para maangkin ng husto ang kanyang imbensyon.
Talagang maestro na ng visual medium si Direktor John Woo. Sobra ang suspense na ipinakita niya sa Paycheck, dahil sa mahusay niyang pinagsunod-sunod na mabibilis pero malilinaw na eksena.
Ang katambal ni Ben Affleck sa Paycheck si Uma Thurman na labis na hinangaan ng marami sa Kill Bill. Isang doctor of biology si Uma bilang Rachel, na siyang tumulong kay Michael upang makaligtas sa sunud-sunod at makapigil hiningang panganib na pinasukan niya.
Ang magandang parte ng pelikula ay ng isang envelop na tinanggap niya na may lamang mga bagay na siya palang magliligtas sa buhay niya. Bawat bagay na nandoon, nagamit niyang makalusot sa ibat ibang panganib, na nagsimula nang mapwersa siyang hindi matanggap ang kanyang $100 million paycheck.
Subok na ang kakayahan ni Direktor John Woo sa mga blockbusters na Mission Impossible, na bida si Tom Cruise, Face/Off nina John Travolta at Nicholas Cage, The Hand of Death ni Jacky Chan at The Killer ni Chow Yun Fat.
Si Ben Affleck naman nagbida sa mga worldwide smash hits na Armageddon, Shakespeare In Love, Pearl Harbor, Changing Lanes at Dare Devil. Siya ang co-writer ng Oscar-Award winning screenplay na Good Will Hunting na sinulat niyang kasama ang kanyang childhood friend na si Matt Damon.
Ang Paycheck ay gawa ng Dream Works Pictures, isang Paramount Picture presentation at released sa ating bansa ng United International Pictures at Viva International Pictures.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended