^

PSN Showbiz

JR nahihirapang magpa-slim

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Noong July 9, nalathala rito sa PSN ang reklamo ni Cindy Rosas sa Dyna Records. Ayon kay Nelia Lim na manager ni Cindy, gusto sanang sagutin ng PRO ng Dyna si Tito Ben dela Cruz, ang hinaing ni Cindy. Pero sabi raw ni Howard Dy, huwag na lang at baka lumaki pa ang isyu.

Noong Sabado, nagkaroon ng concert sa Vincent’s Shangri-La si Cindy kasama si Juan Rodrigo. Pagkatapos ng show entitled "Celebration," kinausap ko si Cindy, kung ano na ang nangyari sa pakikipag-ugnayan niya sa pinagtatrabahuhang kompanya.

"So far, walang sinasabi sa akin ang Dyna," pahayag ni Cindy. "Pero wala rin silang communication sa akin, wala lahat, mula noon. Hindi ko alam kung galit sila o nagtatampo or whatever. Up till next year pa ang contract ko sa kanila. Kung magdesisyon silang tapusin na nang maaga ang kontrata ko sa kanila, wala akong magagawa, pero siyempre, I will feel sad. Pero lahat naman yan, depende sa manager ko, dahil si Nelia Lim ang nagpasok sa akin doon, eh."

Ayon kay Cindy, patuloy naman daw ang ilang radio stations sa pagpapatugtog ng kanyang LP na "Sumisigaw" ang carrier single. "Ang hindi ko lang alam, kung ilang stations ang nagpi-play sa kanta ko. Pero sa ngayon, I am still very thankful sa lahat ng tulong sa akin ni boss Howard, utang na loob ko ’yon. At hindi ko malilimutan."

Sa ngayon, abala si Cindy ng pagkanta sa Café de Malate tuwing Huwebes at sa Chef & Brewer sa Ortigas tuwing Biyernes. Nagko-concert siya paminsan-minsan, kung saan kinakanta niya ang ilang piling awitin mula sa kanyang album, gaya nga nitong nakaraang "Celebration."

"Ang concept nito, birthday celebration namin ni JR. August 8 ang birthday ko. August 21 ang birthday ni JR. September 1 ang original date ng concert. Nagkasakit si Juan Rodrigo kaya mi-nove namin. Wala siyang boses, paano siya makakanta? Hanggang sa ma-move nang ma-move ’yung date, natuloy nga nitong September 15."

Ibang klaseng Cindy Rosas ang namalas ng lahat nang gabing iyon. "Nag-choreograph kasi ako ng dancing, unlike before na puro ballads lang ako. Pinag-aralan ko yung mga sayaw nina Mariah Carey, Christina Aguilera and Jennifer Lopez. Iniba ko rin ang style ko ng pagkanta in most of my songs. Nag-up beat na ako ng kanta, hindi na mga standards. Ngayon, it’s more on danceable songs. Nag-iba ako ng image ng pagkanta, but I’m still the same Cindy Rosas."

Hindi naman siya mataba ng gabing iyon, pero hindi rin siya masasabing slim. "Oo nga," pag-amin niya. "I think I have to lose weight. Pag-depressed kasi ako, pag broken-hearted, the more na kumakain ako. Idinadaan ko sa pagkain. Kaya I gained weight. I really have to lose weight."

Loveless nga siya pero ang dami niyang manliligaw, klaro niya. "Totoo, ang dami ko ngang admirers and suitors, pero wala akong mapili sa kanila, kasi puro may mga asawa sila. Kung may binata lang sana sa kanila and he happens to be the right man for me, why not? Pero hindi naman ako nagmamadali. Kasi, I just broke up with my ex-boyfriend, di ba? As of now, gusto ko, maging busy sa career ko. Hindi ko alam kung kailan ko makikita ang sarili ko na may asawa na. Hindi ko talaga alam. Darating namang kusa ’yon, eh. It will come at the right time."

At ano ang mga katangian ng lalaking iyon na papasa sa kanyang panlasa? "Siyempre, una, binata. Puwede ring biyudo o diborsiyado, legal. Basta ang importante, yung walang sabit, yung hindi ako magkakasala.

"Dalaga ako," patuloy niya, "I can marry a guy anytime I want. Puwede naman akong seryosohin, hindi ’yung just for flirting or just for fun. Pero right now, naka-focus ako sa career ko. Ayoko muna ng lovelife. I cannot serve two masters at the same time. If I’m in love, mawawala ang career ko."
*****
Slim na ngayon si Juan Rodrigo. "Talagang kinausap ko siya na paliitin ang kanyang waistline," sabi ni Nelia Lim. Umabot na ito ng 34 sa dating 36. Pero ang gusto ni Nelia ay gawin itong 32 inches. Sabi ni JR sa kanya, "Baka mamatay na ako nu’n!"

Nagkasakit talaga si Juan sa pagpapapayat. ’Yun ang dahilan kung bakit na-postpone ’yung concert nila ni Cindy. "Ang hirap talagang magpa-slim. Hindi na nga ako kumakain ng kanin ngayon. Ulam lang at vegetables and fruits," sabi ni JR.

Sexy na siyang tingnan sa "Celebration" concert niya noong Sabado. Nangahas na siyang magkakanta ng mga awitin ni Ricky Martin na ikinalugod ng female audience. Pinaka-hit yung kanyang "She Bangs". Naaliw ang lahat sa kanyang pagga-gyrate o paggiling. Naging bagets ang dating ni Juan Rodrigo!

"Ang hirap pala talagang maging singer," sabi niya matapos ang show. "Ang tindi ng nerbiyos ko nung umpisa, pero sa kalaunan, buti, nawala na yung nerbiyos ko. Feel ko naman na nag-enjoy ang audience sa akin, or else, they won’t react like that, di ba?"

Sumapuso na nga’t sumakaluluwa ang pagiging mang-awit ni Juan Rodrigo ngayon. Hindi tulad ng dati na parang sideline lang na lumilitaw ang pagkanta sa kanya, ngayon career na itong matatawag kahilera ng acting sa telebisyon at pelikula. At mas napi-feel niya ngayon ang kahalagahan ng kanyang singing career. "Mahirap ko nang ihiwalay ito sa system ko. I want to improve as a singer everyday. I have to memorize a lot of songs.

"Pero hindi ko rin iiwan ang acting dahil bread and butter ko pa rin ito. Nasa AnnaKarenina pa rin ako ngayon, as for the movies, tinawagan ako ng Solar Films to appear in an Eddie Garcia movie. Interesado ako na gawin ’yung project. It must be a good one dahil Eddie is in it, di ba?"

vuukle comment

AKO

CINDY

CINDY ROSAS

JUAN RODRIGO

NELIA LIM

NGAYON

PERO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with