^

PSN Showbiz

Concert ni Dylan, super sold-out!; Joshua naiganti na, machong chismisan sinibak agad!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Concert ni Dylan, super sold-out!; Joshua naiganti na, machong chismisan sinibak agad!
Dylan Menor
STAR / File

May ilang isyu ang pinag-usapan noong Martes, Oct. 14.

Ginawang big deal ng iba pag-abot ni Mr. Manny V. Pangilinan ng bulaklak kay Dylan Menor sa nakaraang concert nito sa Music Museum, ang pag-file ni Arnold Clavio ng cyber libel case laban sa isang bodyguard ni Zaldy Co, at ang panlalait kay Joshua Aquino ng podcast hosts ng Machong Chismisan.

Mas mainit ‘yung sa Machong Chismisan na lahat ng netizens ay nakisali lalo na ‘yung may special child na mahal sa buhay.

Ang una, galing pala ‘yun sa isa sa sponsors na Huawei, na gustong iabot kay Dylan pero malayo siya. Kaya ipinasa-pasa, hanggang sa napunta kay MVP na inabot naman sa TV5 executive na si Ms. Chaye Cabal-Revilla na siyang nag-abot kay Dylan.

Sana nga magka-repeat para makapanood naman kami.

Sold-out na kasi nung naghanap ako ng ticket at waley na talaga akong makuhanan.

Kaya wagi si Dylan sa kanyang D-Day concert sa Music Museum.

Kaugnay sa isyu nitong Machong Chismisan, napansin ko talagang ang lulupit nilang magbigay ng komento at makapanlait.

Pero hindi naman applied sa lahat ang mga ginagawa nila.

Ang daming nagbigay ng opinion, pero mas naantig ako sa ipinost ng PA o Personal Assistant ng mga anak ni Kris Aquino na si Jack Salvador.

Nakilala ko si Jack na dating taga-Eat Bulaga. Sumama siya kay Kris nung panahong nagpo-promote sina Kris at Bimby ng pelikula nilang My Little Bossing kasama sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Mahaba ang hanash ni Jack sa kanyang social media account na kung saan ay ipinagtanggol niya si Josh.

Nag-react siya sa komentong “walang kuwenta” dahil sabi nga niya, “May kuwenta si Kuya Josh. Mahalaga siya. At karapat-dapat siyang respetuhin.”

Ang daming nagpo-post ng hanash nila kaugnay rito. Pero ang hinihintay ay ang pahayag ni Kris kaugnay rito.

Hinihintay kung ano ang magiging aksyon niya rito. Dahil sinabi nga ni Kuya Boy Abunda, na dapat na magsampa siya ng kaso laban sa hosts nitong podcast na ito.

Si Arnold Clavio ay nag-post ng batas na posibleng nilabag ng hosts nitong Machong Chismisan.

Tatlong batas ang maaaring nilabag daw nila. Ang RA 7277, Magna Carta for Persons with Disabilities. Ipinagbabawal ang public ridicule at panlalait sa mga taong may kapansanan.

Meron pang RA 10175, Cybercrime Prevention Act of 2012. Maaaring cyber libel kung ang pahayag ay mapanirang-puri na inilathala online, at ang Civil Code of the Philippines. Maaaring may civil liability para sa danyos dahil sa panlalait at paglabag sa dignidad.

Sabi ni Arnold ‘Igan’ Clavio sa post na ito, “Ang ginawa ng Machong Chismisan kay Josh ay isang paalala na may hangganan ang Kalayaan sa pagpapahayag at pagpapatawa.

“Ang tawagin siyang ‘walang kuwenta,’ lalo na sa konteksto ng mga komentong nangungutya sa kanyang kapansanan ay hindi simpleng birong dapat ipagkibit balikat.”

Samantala, ang limang hosts nitong Machong Chismisan ay sina Tito P, Makoy Pare, Lawrence Vivar o LV, RJ Carbonell at Juan Paulo Mojica na siyang Baklastikman ng Pencilbox Comedy Studio.

Naglabas na sila ng apology kaugnay rito.

Pero matindi itong si Tito P na siyang nagsalita ng hindi maganda kay Josh.

At may palusot pa ito sa kanyang public apo­logy na meron din daw siyang Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder o ADHD.

Bahagi ng kanyang public apology, “As someone with ADHD, impulse control can make filtering thoughts difficult. An edgy joke might pop into my head, and before my executive functioning can evaluate the social risk, it has already been said aloud.”

Ang daming na-curious sa programang ito sa podcast. Pero wala nang silbi dahil na-terminate na ng The Pod Network ang kontrata ng mga host ng Machong Chismisan at tuluyan nang tinanggal ang programang ito.

Pops, nasa dugo pa ang pagkanta

Hindi pa talaga sure na sure si Pops Fernandez sa ideya ng pagre-retire.

Pa-senior citizen na siya, pero hindi nakikita sa kanya dahil na-maintain nito ang ganda at kabataan.

Makikita natin ito sa kanyang concert na Pops sa Nov. 26 na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.

Sa nakaraang mediacon ng naturang concert na ginanap sa Kusina Sea Kitchen ng Hllton Manila, tinanong namin si Pops tungkol sa retirement o kagaya nina Regine Velasquez at Gary Valenciano, magbabawas na rin ba siya ng trabaho lalo na sa malalaking concert?

Naiisip na rin daw niya minsan, para mabigyan na rin ng pagkakataon ang iba, lalo na ang batang singers. Pero sabi pa ng original concert queen, “So masasabi kong sobra akong grateful dahil again this career of mine, dati kasi hesitant ako, e, although I always loved seeing myself on TV, na-picture ko iyan bata pa lang ako.

“Totoo ‘yung sinasabi nila, it’s in your blood. It’s in the blood. Ahh dream ko iyan na makita ko ang sarili ko sa TV, makakanta ako, maybe even in the movies. Dream ko lang iyon. Hindi ko naman po talaga in-expect na gagawin ko siya. Bakit? Napakamahiyain ko. Tanungin n’yo si Tita Aster [Amoyo]!”

DYLAN MENOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with