^

PSN Showbiz

John, aminadong mas mahirap nang maging komedyante!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
John, aminadong mas mahirap nang maging komedyante!
Dolly, John at Jerom
STAR / File

Para kay John Lapus, dapat mag-aral ang mga komedyante kung paano magpatawa nang walang sinasaktan o inaapakang tao.

Habang sinusulat namin ito ay sinibak na nga ang nasabing podcast na nagpapatawa ang mga host.

At ang contention ngayon ay kung dapat bang mag-workshop din ang mga nagpapanggap na komedyante o host sa online shows/podcast tulad ng Machong Chismisan.

At anong boundary ng online host pagdating sa pagpapatawa o subject na kanilang tinatalakay.

Para nga sa kilalang komedyante na si John Lapus, hindi madaling maging komedyante.

Lalo na sa panahon ngayon na aniya konting kibot lang ay may reaction kaagad sa social media.

Kaya naman hiningan siya ng reaction ng ilang writer na kausap siya sa media launching ng Teatro Panalo kung saan pasok ang kanyang entry na True to Life.

“Ang hirap-hirap magpatawa ngayon, dahil nga woke na ang mga tao, may video na, puwede ka nang ma-call out, puwede ka nang ma-bash, puwede ka nang ma-cancel!

“Ako, hirap na hirap talaga ngayon mag-isip, ngayon na theatre na ang ginagawa ko, nag-iisip talaga ako ng punchline na hindi ako makakasakit ng damdamin, hindi ako mako-call out, hindi ako maba-bash.

“Noong panahon namin, mga 20 years ago, kahit harap-harapan puwede kang manlait, mang-okray, kahit sa TV pa puwede ‘yon, kahit sa mga pelikula ko.

“Pero ngayon, hindi mo na puwedeng gawin ‘yan.

“Kaya ngayon, ingat na ingat na ingat na talaga ako, na ang hirap-hirap for a comedy writer to do a comedy screenplay, napakahirap talaga.

“Kaya I’m very happy na pumasok ako sa Puregold Teatro Panalo, kasi mahirap talaga. Laging sinasabi, mahirap magpatawa kesa magpaiyak. Totoo talaga ‘yon.

“Lahat nang kaibigan ko na writer ng drama, na bilib na bilib sila sa amin na mga comedy writer, kasi hindi nila kayang gawin ‘yon,” mahabang pahayag ni John na kasalukuyan pa ring napapanood sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.

Super close si John kay Joshua kaya naman nalungkot talaga siya nang tawagin ito sa Machong Chismisan na “walang kwenta”

“Nalungkot na ako. I love Josh very much, or any people na nasa spectrum. They should be loved. They are special, kaya nga special persons ang tawag. Espesyal ‘yang mga ‘yan, ‘di yan pinagtatawanan, hindi ‘yan pina-punchline. Dapat dyan minamahal, inaaruga.”

Anyway, sinulat niya aniya ang True to Life para magpasaya na gladly ay kasama sa 12 official entries na hindi raw niya inasahan, sa Teatro Panalo.  “Basically gusto ko lang to tell my truth, na totoo talaga ito, na nangyari sa akin, at puwede ring mangyari sa inyo. So, ano ang dapat gawin kapag nangyari ito sa inyo?

“I always make it a point, other than magpatawa sa mga play na ginagawa ko, gusto ko may learnings,” sabi na lang ni Sweet.

Kabilang nga si Sweet sa malalaking pangalan sa Philippine theater na napili sa 12 finalists.

Ang announcement ay naganap sa isang live event at Cinema 16 of Gateway Mall the other day.

Tumanggap ng P100,000 talent fees ang mga napiling kasali.

Ayon kay Ivy Hayagan-Piedad, Puregold Teatro Panalo Festival chair, excited sila sa historic lineup and the extraordinary response from Filipino theater artists across the country. “It was encouraging to see how many Filipino storytellers are eager to share their work, and it made choosing only 12 plays especially difficult. They remind us how much Filipino theater has to offer; how live experiences offer authentic connections, and how important it is to create more opportunities for these stories to find their audience,” said Hayagan-Piedad. “With Puregold Teatro Panalo, we hope to give these works the stage they deserve and, in our own way, help Philippine theater continue to grow.”

The 12 finalists—eight straight plays and four musicals—of the inaugural Puregold Teatro Panalo are: The Girl Scout Law by Rhain Arabella Alcoriza; True to Life by John “Sweet” Lapus; Trahedya ng Kamote by Marjay S. Manalastas

The Boy Foretold By The Stars (One Act Play) by Dolly Dulu; Nothing But Dreams by Ricardo C. Novenario; Youngstunna by Jerom Andrei M. Canlas; Walang Maliit na Bagay by Joshua Lim So

@HOME by Edralin Cabrera, Kathlyn Castillo, Michael Ian Lomongo, Marjorie Lorico, Maria Teresa Jamias, Wenah Nagales at J Victor Villareal; Ang Maayong Balita Sumala Kang Bibo Bautista by Jude Thaddeus M. Gitamondoc; Baka Mali ang Tamaraw by Emmanuel Benbinuto Antonio; Manang-Mana Nga! by Steven Hotchkiss and Jay Pangilinan and The Fourth Wall Has Fallen by Heber Justin P. O’Hara.

JOHN LAPUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with