MJ naguguluhan sa relasyon, Bianca inamin ang bisyo ni Sen. Sherwin

Taong 2018 nang maging opisyal na magkasintahan sina Bianca Manalo at Senador Sherwin Gatchalian. 2025 naman nang nakumpirmang nagkahiwalay na ang dalawa.
Ngayon ay mabuti umano ang pakikitungo nina Bianca at Sherwin sa isa’t isa. “We’re friends. We’re good friends. We share custody of our three dogs. Kapag may kailangan akong help, I still talk to him. Siya pa rin ‘yung tumutulong sa akin. ‘Yung staff niya tumatawag sa akin kapag may kailangan ako. He still takes good care of me,” pagtatapat sa amin ni Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ang pagiging pulitiko raw ng binata ang pangunahing dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dating magkasintahan. “Mas focused siya sa pag-aalaga ng bansa. And naiintindihan ko ‘yon, Tito Boy. Kasi he’s very hardworking. Mabuting do’n na lang kaysa naman sa ibang bisyo. Ang bisyo niya is magsakripisyo at magserbisyo para sa Pilipinas. So, sino ako para pigilan siya. So okay, I’m happy for him and I will forever support him,” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.
Hindi lang minsan na naugnay si Bianca sa ibang lalaki kahit nobyo pa noon ang Senador. Agad ding nililinaw ng beauty queen-actress ang tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa mga kontrobersiya noon. “I did, I always say buti na lang my network, GMA, would always back me up. They know what’s the real deal. Hindi ako magsisinungaling. Kung ayaw n’yong maniwala eh di huwag. Kung ‘yan ang gusto n’yong paniwalaan eh di bahala kayo. Hindi ko naman kayo mapi-please lahat eh,” giit ng aktres.
Hindi na rin naiintindihan ni Bianca kung bakit palagi siyang nasasangkot sa mga usaping third party. Kahit walang karelasyon ngayon ay hindi pa rin natitigil ang mga intriga tungkol sa pakikipagrelasyon umano ng dalaga. “I don’t know. And ngayong single ako, ang dami ko pa ring naririnig kung anu-anong mga istorya, na iniisip ko, ano ba’yan? Bakit kapag single ako, nali-link ako kung kani-kanino. Kailangan ko na yatang maging taken ulit. Joke, kung hindi naman ako ready pa, bakit naman ako magbo-boyfriend? I’m happy, I’m focusing my happiness with my nephew and nieces, and my sisters and my mom. So okay na ako, for now, Tito Boy. Hindi ako nagmamadali,” paglalahad ng beauty queen-actress.
Samantala, kontrobersiyal din ang naging pahayag ng kaibigan ni Bianca na si MJ Lastimosa tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Naguguluhan na umano si MJ sa estado ng kanyang relasyon ngayon. “Parang lagi naman pero it’s part of life. Medyo nandiyan pa rin, medyo rocky. On the the rocks pero ipaglalaban. Gano’n naman talaga ang buhay. Minsan, you know. I’m attached, but I don’t know what it is. I’m very confused right now,” masayang pahayag sa amin ni MJ. (Reports from JCC)
- Latest
























