Himala: batang babae, gumaling sa cancer (Part 2)
ISANG matinding virus (na tinatawag na CNP) ang dumapo sa tatlong taong gulang na batang babae na si Milan habang ito ay inooperahan sa cancer. Si Milan, at pamilya nito ay mga Sunni Muslim mula sa Syria, at refugees sa Lebanon.
Lalong lumubha ang kalagayan ni Milan matapos operahan.
Binigyan siya ng mga doktor nang malakas na gamot. Subalit hindi bumuti ang kalagayan ng bata.
Ipinasya ng mga magulang ni Milan na itigil na ang pagpapagamot at pagbibigay ng gamot dito. Ipinaubaya na lamang nila sa Diyos ang kalagayan ni Milan. Iniuwi na nila sa bahay si Milan.
Hanggang makaabot sa kaalaman ng ina ang mga himalang ginawa ni St. Charbel at marami na ang napagaling na mga maysakit at mga naghihingalo.
Nagdasal ang ina kay St. Charbel. Hiniling na pagalingin ang anak sa sakit nito.
Sa isang pilgrimage, dinala nila si Milan sa St. Charbel’s Church sa Zahle, Lebanon.
Pagdating nila sa simbahan, taus-puso silang nagdasal kay St. Charbel na mamagitan ito kay Panginoong Hesus para sa paggaling at kaligtasan ni Milan.
Pagkatapos ng pilgrimage, dinala nila si Milan sa doktor si Milan para isailalim sa test at examination. Ito ay para makita ang kalagayan ng cancer at virus sa katawan ni Milan.
Ganun na lamang ang pagkamangha ng mga doktor sapagkat wala na ang cancer at virus. Naglahong parang bula.
Napaiyak sa katuwaan ang pamilya ni Milan. Dininig ni St. Charbel ang kanilang kahilingan. (Itutuloy)
- Latest




















