^

Punto Mo

Utol (193)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINAMANTALA na ni Gerald ang pagkakataong iyon na sila na lamang ni Gina ang nasa salas. Lumabas sina Xander at Anna. Si Gemo naman ay binisita ang SUV na naka-park sa gilid ng kalsada.

“Hindi ako nagbibiro, Gina, na-miss talaga kita!’’

“Bakit naman, Gerald?’’

“E sa na-miss kita. Basta ganun ang feeling ko.’’

“Ba’t wala kang nasabi sa akin nung magtungo ako sa inyo -- nung burol ng papa mo, remember?’’

“A kasi’y nagdadalamhati ako nun. Maraming iniisip.’’

“Ah naiintindihan na kita, Gerald. Kasi’y bago lang kayong nagkakahiwalay ni Teth. Siguro’y yun ang dahilan.’’

“No! Talagang ang pagkamatay ni Papa ang dahilan kaya siguro hindi kita gaaanong napansin. Masakit kasi ang pagkawala ni Papa dahil bigla akong naulila.’’

“Kawawa ka naman.’’

“Pero okey na ako ngayon, Gina. Kaya nga kita hinanap e dahil na-miss talaga kita.’’

“Salamat naman at meron din palang nakami-miss sa akin. Meron din palang nakakaalala, ha-ha-ha!’’

“Talagang hindi ako tumigil hangga’t hindi ka nakikita. Una akong nagtanong sa dati mong boarding house. Sabi umalis ka na raw. Wala silang naibigay na gaanong impormasyon, basta taga-San Pablo ka.’’

“Pero ang galing mong maghanap, Gerald.’’

“Sabi ko nga sa’yo basta nasa puso ang paghahanap, makikita iyon. At nasa puso kita kaya kita nakita.’’

“Wow! Sige na nga. Mabuti pa punta na tayo sa lake at nakahanda na ang pagkain natin.’’

“Tena.’’

Masayang-masaya sila sa hinanda ni Gina. Maraming pagkain. Sarap na sarap sila habang nakalutang ang cottage sa lake.

Mas lalong masaya si Gerald habang katabi si Gina.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with