^

Punto Mo

Pating na may saksak ‘nagpasaklolo’ sa diver

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pating na may nakasaksak na 12-pulgadang patalim sa ulo nito ang humingi ng saklolo sa isang diver.

Kasamang sumisisid ng diving instructor na si Ben Johnson ang ilang turista sa baybayin ng Cayman Islands nang makita niya ang isang pating malapit sa kanilang ki-naroroonan.

Nilapitan ni Johnson ang pating na may habang 3 talampakan dahil kapansin-pansin ang kakaibang kinikilos nito.

Nang siya ay makalapit ay nakita niya ang patalim na nakasaksak sa ulo ng pating,  na sa halip na maging mailap ay lumapit pa sa kanya at animo’y humihingi ng tulong para maalis ito.

Sinaklolohan naman ni Johnson ang pating at hinugot mula sa ulo nito ang patalim na nag-iwan ng isang malalim na sugat.

Isang nurse shark ang pating ayon kay Johnson. Hindi raw siya natakot lapitan ito dahil hindi naman karaniwang nananakit ng tao ang mga nurse shark na pulos lamang-dagat lang ang kinakain.

Ipinagbabawal na ang panghuhuli ng pating sa Cayman Islands noon pang 2015 at mahaharap sa $500,000 na multa o apat na taong pagkakakulong ang sinumang lalabag nito.

Mukha namang nasa mabuti nang kalagayan ang pating matapos itong mamataan muli sa bahagi ng karagatan kung saan ito natagpuan ni Johnson.

vuukle comment

BEN JOHNSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with