^

Punto Mo

Sir Juan (84)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI halatang may room dahil kakulay ng pintura ng dingding ang pintura sa pinto. Sadya kayang ginawa iyon para magsil-bing secret door? Baka may mga itinatago roon? Hindi kaya doon nagbibihis ang mga dancer? Posible.

Lalapitan sana ni Sir Juan ang nadiskubreng pinto pero may paparating na waiter. Nagkunwari siyang nagpapalipas lamang ng oras sa bahaging iyon ng KOLEHIYALA.

Nagtungo ang waiter sa dako pa roon at nilampasan ang  pinto. Pagbalik ng wai­ter ay may mga dalang pansapin na tela sa table. Baka may nabasang table cloth. Baka sa kalasingan ng customer – lalo pa ang mga Koreano ay natapunan ng alak ang mesa. Masyadong malikot daw ang mga Koreano kapag nalala-sing. Pero galante. Uubusin ang pera kapag nalasing.

Ipinasya ni Sir Juan na magbalik sa kanyang mesa. Baka may makahalata sa kanya kung titingnan ang nasa loob ng secret door. Kailangang tumiyempo siya. Hindi siya dapat magmadali. Kadalasan, kapag nagmamadali nangyayari ang mga kapalpakan.

Nagbalik siya sa kanyang mesa. Inubos niya ang kanyang beer. Mapait na ang lasa.

Hanggang lapitan siya ng kaibigang waiter.

“Sir ang tagal mo bago bumalik.”

“Nag-CR ako. Biglang ku­mulo ang tiyan ko. Puro ha-ngin ang laman ng tiyan ko. Pero okey na.’’

“Beer pa Sir?’’

“Sige bigyan mo ako isang bote. Magdala ka ng yelo.’’

“Yes Sir Just a minute.’’

Habang hinihintay ni Sir Juan ang order ay nakita niya ang mga babaing nasa entablado. Hubu’t hubad na sila. Mga anim ang babaing nagsasayaw. Dumadagundong sa pandinig ang music. Isa-isang pinagmasdan ni Sir Juan ang mga babae. Wala si Mahinhin. Lalong lumakas ang paniwala ni Sir Juan na hindi nude dancer si Mahinhin. Pawang kamukha lang niya ang mga dancer ng KOLEHIYALA.

Dumating ang order niyang beer.

“Tawagin mo lang ako Sir kapag may kailangan ka,” sabi ng waiter.

“Sige.’’

Umalis na ang waiter.

Nagsalin si Sir Juan ng beer sa basong may yelo. Tumungga. Ahhh, sarap!

Dumampot siya ng tatlong  butil ng adobong mani. Nginuya. Matamis ang ma­ni.

Uminom uli siya. Sarappp!

Hanggang sa makarinig siya ng ingay. May sumi-sigaw!

“Raid! May raid!”

Kinabahan si Sir Juan. Delikado! Kailangang ma­ka­pagtago!

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HANGGANG

JUAN

KAILANGANG

KOREANO

MAHINHIN

MGA

PERO

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with