^

Punto Mo

Batang lalaki na may malubhang sakit, pinagaling ni Padre Pio (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINAMAAN ng acute fulminant meningitis si Matteo Pio Colella noong siya ay seven years old. Ang meningitis ay napakadelikadong sakit na likha ng bacteria. Sabi ng mga doktor, wala nang pag-asang makaligtas ang bata.

Hanggang sa ma-comatose si Mateo at tinaningan ng mga doktor na maaaring mamatay ito anumang oras.

Subalit hindi nawalan ng pag-asa ang ina ni Mateo na si Lucia. Nagdasal ito nang taimtim kay Padre Pio. Hiniling niya na makaligtas ang anak sa kamatayan. Nagdasal siya sa puntod ni Padre Pio. Ang ospital na kinaroroonan ni Mateo ay nagsisilbi ring santuwaryo at libi­ngan ni Padre Pio.

Nakaligtas si Mateo sa kamatayan.

Manghang-mangha ang mga doktor sa nangya­ring paggaling ni Mateo. Ang batang oras na lamang ang hinihintay ay buhay na buhay. Isang himala ang nangyari kay Mateo.

Sa isang TV interbyu kay Mateo noong ito ay 27-anyos na, isang makabagbag-damdaming pangyayari ang kanyang inilahad.

Ayon kay Mateo, habang siya ay comatose, nakita niya sa panaginip si Padre Pio. Nasa kanan niya ito samantalang sa kanyang kaliwa ay tatlong angels. Ang isa sa angels ay may gintong pakpak samantalang ang dalawa ay puti at pulang pakpak.

Sinabi umano sa kanya ni Padre Pio, “Huwag kang mag-alala. Gagaling ka na.”

At nangyari nga ang mga sinabi ni Padre Pio. Naihalintulad ni Mateo ang pangyayari sa lalaking binuhay ni Hesus na si Lazarus. Clinically dead na siya pero muling nabuhay dahil sa intercession ni Padre Pio.

Hangggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ang himalang ginawa ni Padre Pio kay Mateo. Ang himala ang naging daan para sa canonization ni Padre Pio noong Hunyo 2002.

PIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with