^

Punto Mo

‘Marry the man who will help you to the bathroom’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

TITULO ito ng  artikulo sa isang website. Ginaya ko lang. Hindi ko isinalin sa Tagalog dahil mababawasan ang emosyon. May mga pangungusap na mas mabuting manatili sa English upang hindi mabago ang original feeling na ibinabahagi nito.

May boyfriend na ako ay may lalaki pa rin nanliligaw sa akin. Siyempre, nagkaroon ako ng “ganda-gandahang” feeling kaya hinahayaan kong ligawan ako. Ang palusot ko sa nanggagalaiting boyfriend ay…Anong gagawin ko, siya ang nagpupumilit manligaw. With matching pabebeng pagpapaliwanag.

Isang araw ay naisugod ako sa ospital. Actually, isinugod ko ang aking sarili sa PGH. Masakit na masakit ang aking tiyan. Nasa probinsiya ang mga magulang ko. Nasa school ang mga kapatid ko. Si Boyfriend minamahal lang ang puwedeng hingian ng tulong ng mga sandaling iyon. Tinanggihan ako sa PGH kaya ang nagdesisyong dalhin ako sa pribadong ospital ay…sino pa…ang dakilang boyfriend. Siya rin muna ang nagbayad sa downpayment ng ospital.

Isang araw pa ang lumipas bago nakaluwas ang aking ina. Ang mga kapatid ko naman ay may pasok sa trabaho at school kaya pasulpot-sulpot lang sa ospital. Mula umaga hanggang magdamag ay si Boyfriend muna ang nagbantay sa ospital. May nakakabit sa akin na dextrose kaya kailangang may tutulong sa akin papuntang toilet. Si Boyfriend ang buong tiyagang umaalalay sa akin hanggang toilet. Damang-dama ko ang pagmamahal niya.

Ang sinasabi ko sa kanya bago ako umupo sa toilet ay: “Tumalikod ka, baka masilip mo, mawala ang pagka-virgin ko!” Tatalikod nga, pero humahagikgik. May mata rin daw siya sa likod ng ulo. Meaning, naroon pa rin ang kanyang imagination.

Nabalitaan ni Manliligaw na naospital ako. Nabigla siguro, sabi sa akin nang magkita kami: “Sakitin ka pala. Dapat pala ay marami akong pera para may pampagamot ako para sa iyo”

Nasaktan ako. Hindi pa man, naroon na ang pag-aalinlangan na mahalin ako dahil sa pagiging sakitin. Kaya nang oras din iyon, sinentensiyahan ko si Manliligaw:

“Kaya tumigil ka na sa panliligaw. Di ba’t ikaw lang naman ang mapilit dahil katwiran mo’y magsyota pa lang kami? Sa ilang araw na pagtigil ko sa ospital, nabuo sa isipan ko kung kaninong lalaki ako magpapakasal.”

Ang lalaking umalalay sa akin hanggang toilet ay ang lalaking ama ng mga guwapo kong anak.

vuukle comment

ACIRC

AKIN

AKO

ANG

ANONG

BOYFRIEND

DAMANG

ISANG

KAYA

MANLILIGAW

SI BOYFRIEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with