^

Punto Mo

Cara y cruz, ugat ng away ng 2 pulis sa QCPD!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

AWAY pulis! Ayaw ni NCRPO chief Brig. Gen. Christopher Abrahano ng ganito. Dahil sa timbre sa sugal na cara y cruz, dalawang­­ pulis ang nagkahiwalay ng landas. Tsk tsk tsk! Purbidang yawaahhhhh! Tawagin natin sila mga kosa sa alyas na PEMS Joseph at SSgt. Jay. Hindi naman sila na makapagpang-abot dahil na-relieve na sila sa Galas police station sa Quezon City. Ang nai­ipit sa nag-uumpugang bato sa sitwasyon ng dalawa, ay ang testigo na si alyas ‘‘Lisa’’, na “laban-bawi” sa salaysay n’ya. Ang pinakamasama lang mga kosa, itong hidwaan ng dalawang pulis ay nakarating na sa Ombudsman. Ano kaya ang magiging aksiyon ni Abrahano rito? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Nagsimula ang sigalot nang salakayin ni SSgt Jay ang malakasang cara y cruz sa Cabalata St., na malapit sa palengke ng Tatalon noong May 2. May nahuli naman ang tropa nila. Kaya lang, nagalit itong si PEMS Joseph, na naka-assign sa intel, dahil hindi nag-coordinate sa kanya ang tropa ni SSgt. Jay. Mukhang itong sugal ay may parating sa istasyon para pangkain ng mga pulis. Ano ba ‘yan? Kanya-kanyang diskarte ang magkabilang kampo kung ano ang kasunod na pangyayari. Basta ang malinaw, kinuha ni SSgt Jay bilang testigo ang buntis na si Lisa na nagsabing s’ya ang nag-report sa isang Corporal sa nangyayaring pasugal sa kalye. Hayun, dumulog na si Ssgt. Jay sa Ombudsman gamit ang salaysay ni Lisa. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya lang ng manganak na si Lisa nitong September, abayyyyy kumambyo ang ihip ng hangin at binawi ang salaysay n’ya. Ayon kay Lisa, prepared na ang statement na pinapirmahan sa kanya ni SSgt Jay at katunayan binigyan pa s’ya ng P1,000. At sa kasamaang palad, pinapirma rin ni  PEMS Joseph si Lisa ng pagbawi ng naunang statement n’ya. At itong bagong statement ni Lisa ang ginamit ni PEMS Joseph upang magsampa rin ng kaso sa Ombudsman. Mukhang sa Ombudsman na ang desisyon dito at wala na sa NCRPO. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga!

Teka, teka! Dapat ipasara ni QCPD director Brig. Gen. Christopher Olazo itong cara y cruz na paikut-ikot lang sa mga patay sa Bgy. Tatalon para ‘di na maulit ang kasong ito. Ang nagma-manage ng pasugalan ay si alyas ‘‘Yero’’. Dipugaaaaa! Abangan!

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with