^

Punto Mo

Senior Citizens sa China, umaarkila ng ‘anak’ para tulungan sila sa pang-araw-araw na gawain sa bahay!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DUMARAMI sa China ang mga senior citizen na kumukuha ng tinatawag na “temporary children”, mga binabayarang makakasama sa bahay na tumutulong sa pagkain, gawaing bahay, pagpunta sa ospital at maging sa pakikipagkuwentuhan.

Karaniwan itong kinukuha ng mga matatandang namumuhay nang mag-isa o walang malapit na kamag-anak na regular na makakasama. Tinatayang umabot sa humigit-kumulang $7.4 billion ang halaga ng naturang industriya noong 2025, ayon sa securities company na Sinolink.

Isa sa mga gumagamit ng serbisyo si Yang, 91, na nakatira sa labas ng Beijing. Matapos pumanaw ang kanyang asawa, sinabi niyang matindi ang kanyang naranasang kalungkutan. May glaucoma rin siya at mahina na ang paningin kaya maging simpleng gawain sa bahay ay nahihirapan na siyang gawin.

Nagbago umano ang kanyang araw-araw na buhay nang magsimulang bumisita sa kanya ang team ni Wang Yingwei, na nagpapatakbo ng maliit na delivery service para sa mga nakatatanda.

Dalawang beses kada araw silang naghahatid ng mainit na pagkain kay Yang at tumutulong din sa mga gawaing bahay tulad ng pagkabit ng water filter at pagkukumpuni ng shower equipment.

Tinatawag ni Yingwei ang kanilang grupo na “community children” dahil tinatrato umano nila ang kanilang elderly clients na parang sariling mga magulang.

Nagsimula siyang magbigay ng ganitong serbisyo matapos magkaroon ng Alzheimer’s disease ang kanyang father-in-law at lumipat sa isang nursing home. Dahil sa hindi magandang kondisyon na nakita niya roon, nais niyang makatulong sa ibang senior citizen na nanatili sa sarili nilang bahay.

Ayon kay Yingwei, mas mababa sa karaniwang bayad sa caregiver ang halaga ng kanilang serbisyo.

Mayroon ding ibang uri ng paid companion. Si Liu Yanyan, 23, ay nagtatrabaho bilang medical escort sa Beijing at sinasamahan ang kanyang clients sa hospital appointments, kumukuha ng test results at bumibili ng gamot para sa kanila.

Para sa ilang elderly clients, hindi lamang praktikal na tulong ang nakukuha nila sa serbisyo kundi pati regular na companionship at pakiramdam na may maaasahan sila sa araw-araw.

SENIOR CITIZENS FEDERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with