^

Punto Mo

Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG tanungin ni Anthony Fuina ang lalaki kung sino ito, sagot ng lalaki, siya raw ang alipin ng Diyos.

Hindi raw nakapagsalita si Anthony sa labis na pagkabigla at pagkamangha.

Nagpatuloy daw sila sa paglalakbay.

Hanggang sa makarating sila sa lugar na bababaan ng lalaki.

Bago raw bumaba ang lalaki, muli nitong sinabi kay Anthony na magaling na ito sa tinataglay na sakit.

Sinabi pa raw ng lalaki na dapat magtungo si Anthony sa mga healing masses at ipagdasal ang iba pang may tinataglay na sakit at mga nangangailangan.

Bago raw tuluyang bumaba ang lalaki sa sasakyan ni Anthony, sinabi raw nito, “Ngayon ay alam ko na kung bakit naghintay ako nang matagal bago makasakay. Ikaw ang hinihintay ko.”

Muling napatda si Anthony sa sinabi ng lalaki. Pagkatapos ay bumaba na raw ito. Muling nagpa?alamat si Anthony sa mga iniukol nitong dasal at pinayuhan na mag-ingat sa pagtawid sa kalsada. Noon ay naka-red ang traffic light.

Nagbabay sa kanya ang lalaki. Hanggang tumawid na ang lalaki sa pedestrian crossing.

Nang mag-green ang ilaw, nag-go na si Anthony. Nang makatawid, sinubukan niyang silipin sa rear view mirror ang lalaki. Subalit wala na ito. Nag-right turn siya para hanapin ang lalaki pero hindi niya nakita.

(Itutuloy)

CANCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with