^

Punto Mo

Manong Wen (62)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HUMAKBANG patungo sa pinto si Princess. Nagdadasal siya na huwag ma­gising si Chester. Nakasandal sa sopa si Chester at walang damit pang-itaas. Lasing na lasing ito.

Nang marating ni Princess ang pinto ay dahan-dahan niyang binuksan. Delikadong magising si Chester kapag narinig ang ingay ng pagbubukas ng pinto. Ingat na ingat siya.

Nang mabuksan ang pinto ay wala sinayang na panahon at tumakbo patungo sa gate. Sana ay hindi nakakandado ang gate. Sana ay madali niyang mabuksan. Kailangang makalabas siya bago magkamalay si Chester.

Nang makarating sa gate ay hinila ang handle ng gate na bakal. Lampas tao ang taas ng itim na gate. Matigas. Nakakandado yata. Ayaw bumukas kahit anong hila niya. Baka sadyang ini-lock ni Chester para hindi siya makatakas.

Sinubukan niyang hatakin muli. Ayaw talaga. Matigas at mabigat.

Hanggang sa mapansin niya ang maliit na pinto sa dako roon na may ilang hakbang ang layo sa main gate. Pinuntahan niya. Itinulak. Nabuksan. Lumabas siya. Parang nagkaroon ng pakpak ang mga paa niya. Hanggang sa makarating siya sa kanila.

Buhay pa noon ang tatay niya. Hindi muna niya ipinagtapat ang nangyari. Alam niya, magagalit ito at baka kung ano ang gawin.

Matagal bago niya nakita si Chester. Humingi ito ng sorry. Pinatawad niya pero mas ma­tindi pa ang ginawa. Iyon nga ay nang malaman niyang hindi naman pala siya nito talagang mahal at kaya nagawa siyang ligawan ay dahil nga sa fraternity. At natuklasan nga niya na ang mga pinakilala palang magulang sa kanya ay mga katulong. Nalaman din niya na noong gabing isama siya ni Chester sa bahay nito dahil birthday daw ng mommy nito ay hindi totoo. Gusto lang siyang pagpraktisan sa utos din ng fraternity.

Ngayon ay nagbabalik ito at balak na naman siyang guluhin. Pero nagkakamali si Chester sapagkat maghahanda siya. Ipagtatanggol niya ang sarili sa itinuturing na niyang halimaw.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

AYAW

CHESTER

HANGGANG

MATIGAS

NANG

NIYA

SANA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with